Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Martes

7 Mayo 2024

10:19:29 AM
1456763

Nag-react ang tagapagsalita ng Dayuhang Ministri ng Iran, si Nasser Kan'ani sa positibong tugon ng Hamas sa planong tigil-putukan sa Gaza.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Nag-react ang tagapagsalita ng Dayuhang Ministri ng Iran, na si Nasser Kan'ani sa positibong tugon ng Hamas sa planong tigil-putukan sa Gaza.

Malugod tinanggap ng senior Iranian diplomat ang tugon ng kilusang Hamas, sa pampulitikang planong iniharap upang ihinto ang genocidal war machine ng Zionistang rehimen, sa Gaza Strip, na naglalarawan sa political intelligence ng Resistance bilang isa pang pagpapakita ng kapangyarihan nito.

Sinusuportahan ng Islamikong Republika ng Iran ang plano, na iniharap para sa pagsasakatuparan ng mga karapatan ng mamamayang Palestino, kabilang ang agaran at permanenteng pagtigil ng mga pag-atake at krimen ng rehimeng Zionista, ang pag-alis ng blockade sa Gaza, ang pagpapalaya ng mga bilanggong Palestino, at ang kumpleto at walang kundisyong pag-alis ng mga pwersang mananakop ng Israel mula sa Gaza Strip, pati na rin ang muling pagtatayo ng mga guho ng digmaan, aniya.

Noong Lunes ng gabi, inaprubahan ng Hamas ang isang panukala para sa isang tigil-putukan, sa digmaan sa Gaza, na iniharap ng mga tagapamagitan na Qatar at Egypt, kahit na ang rehimeng Israeli ay wala pang komento sa nasabing  panukala.

Nagsagawa ng genocidal war ang Israel sa kinubkob na Gaza noong Oktubre 7 matapos magsagawa ng makasaysayang operasyon ang mag Palestinong Hamas Resistance group laban sa sumasakop na entidada bilang pagganti sa pinatinding kalupitan ng rehimeng Zioinista laban sa mamamayang Palestino.

  Ang mga pwersang Israeli ay pumatay ng hindi bababa sa 34,735 mga Palestino sa loob ng pitong buwang digmaan nito laban sa Gaza.

Ang Israel ay nagpataw din ng isang kumpletong pagkubkob laban sa teritoryong makapal ang populasyon, pinutol ang gasolina, kuryente, pagkain, at tubig sa mahigit dalawang milyong mga Palestino na naninirahan doon.

...........................

328