Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : IQNA
Linggo

10 Enero 2021

11:14:43 AM
1104753

Kalalakihan Haharap ng 10 mga Taon sa Bilangguan Dahil sa Paghahanda ng Pagsalakay na Teror sa Moske ng Polish

Ang dalawang pinaghihinalaan ay sinampahan ng hinala sa pagpaplano ng malayong-kanan na "terorista na pagsalakay" sa isang lugar ng pagsambang Islamiko sa Poland.

ABNA24 : Ang mga suspek ay inakusahan ng "paghahanda ng krimen upang magbanta sa buhay o kalusugan ng maraming mga tao o pag-aari" gamit ang mga paputok.

Kinasuhan din sila ng "panunulsol ng publiko sa pagpatay laban sa mga pangkat na etniko at relihiyoso", pagkakaroon ng mga pampasabog at mga baril na walang pahintulot, at ang pagdadala ng mga gamot sa loob ng Unyong Uropiano.

Haharap sila ng mga sentensya sa kulungan ng hanggang 10 mga taon kung nahatulan.

Sinabi ng mga awtoridad na ang pag-atake ay binalak para sa isang "tiyak na relihiyosong bagay ng pamayanang Islamiko" at ang mga nagsagawa ay nagplano din na "magkalat ng mga nakalalasong mga sangkap".

Ang mga tagausig sa Szczecin ay nagdala ng demanda laban sa dalawa noong nakaraang buwan, kasunod ng pinagsamang pagsisiyasat na pinangunahan ng Ahensiya ng Seguridad na Panloob ng Poland.

Ang dalawang pinaghihilaan ay nagbalak na "pigilan ang Islamisasyon" ng Poland, dagdag ng mga awtoridad sa isang pahayag.

Ang dalawang nasasakdal ay sinasabing pumipigil sa "matinding mga pananaw", na nanawagan para sa karahasan at Islamophobia. Ang isa sa dalawa ay lumikha din ng isang "manipesto", katulad ng isinulat ng malayong-kanan na terorista na pagsakay sa moske ng Christchurch noong 2019.

Ang "manipesto" kasama ang panawagan para sa pag-uusig ng mga bagong dating mula sa labas ng Poland, kabilang ang paggamit ng mga baril at mga paputok, idinagdag ng mga awtoridad sa isang pahayag.

Ang dalawang suspek ay naaresto sa Warsaw at Szczecin ng Ahensiya ng Segurigad na Panloob noong Nobyembre 2019 at ang dalawa ay sinubaybayan mula pa noong 2013.

Sa panahon ng pagsisiyasat, apat na mga baril, kasama ang isang gawa sa bahay ba na baril at bala, at mga eksplosibo ang nakuha, kasabay ang "mga kagamitan na nagbibigay-daan sa paggawa ng mapanganib na mga materyales at mga sangkap".

Ang isang tagapagsalita para sa Pakikipag-ugnayan ng Ministro ng Natatangi na mga Paglilingkod ay idinagdag na ang isa sa mga pinaghihinalaan ay "gumagawa" ng mga baril, bala at mga paputok sa kabila ng naunang utos ng korte, iniulat ng Euronews.

Nakuha din ang "walong mga maliit na botelya may labis na nakakalason na mga kemikal" at higit sa 170 na mga aklat tungkol sa paggawa ng mga pampasabog, pati na rin mga elektronikong kagamitan na maaaring magamit upang mapanatili ang naka-enkrip na komunikasyon.

Ang isang pangatlong indibidwal ay kinasuhan din ng pagkakaroon ng mga pampasabog na mga kagamitan nang walang pahintulot, isang pagkakasala na maaaring parusahan ng hanggang 2 mga taong pagkakakulong.

342/