Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24
Huwebes

14 Enero 2021

9:41:21 PM
1105939

Ang pag-iimpake ni Trump ay nagsisimula na mula sa White House + (mga larawan)

Ang administrasyong hinirang si Joe Biden na bilang bagong administrasyon ay nagpaplano na ng isang komprehensibong kampanya sa paglilinis para sa White House, isang linggo bago maging pangulo si Biden.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA NEWS REPORT: Iniabot na ang mga tambak na walang laman mga karton na kahon sa gusali ng Executive Office, sa White House upang simulan na ang mga pakete ng bagahe sa pagdating ni Bagong Pangulong Biden at ganoon ding ang pagbalot at paglabas ni dateng Pangulo Donald Trump at mga opisyal ng kanyang administrasyon.

Iniulat ng "NBC News" na ang administrasyong hinirang ni Pangulong Joe Biden, ay nagpaplano na magsagawa ng isang komprehensibong kampanya sa paglilinis para sa White House isang linggo bago maging pangulo si Biden, at sa wakas napilitan na rin ang kanilang sarili, mula umalis si Trump sa White House para sa Mar-a-Lago resort sa Florida.

Ang mga kontrata ng gobyerno at mga order ng pagbili ng mga sinuri ng channel ay nagpapakita na ng halaga para sa karagdagang paglilinis ay halos kalahating milyong dolyar.

Ang proseso ng paglilinis na isasagawa ay naiiba sa mga hinalinhan na isinagawa ng mga gumagamit ng White House at sa mga kasambahay nito, matapos si Trump at higit pa sa 40 katao ang mga opisyal na malapit sa kanya ay nahawahan ng Corona virus.

Noong Miyerkules, inihayag na rin ng mga Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na si Biden ay mananatili sa Blair House ng gabi bago ang pagpapasinaya, na sinabi ni Trump na hindi daw siya dadalo.

Ang isa namang may kaalaman dito sa mapagkukunang Amerikano ay nagsiwalat sa pahayagan ng "Poltico" na masasaksihan ng White House ang isang "komprehensibo at malalim" na proseso ng paglilinis nito bago lumipat dito ang kandidato o bagong US President si Biden pagkatapos ng seremonya ng pagpapasinaya, na nagpapahiwatig na rin daw na ang gusali ng White House ay sasailalim din sa "disinfectant misting services" upang linisin ang mga hangin nito sa loob at labas ng nabanggit na gusali pagkatapos ng pag-alis ng mga koponan ni Trump.


..................................
328