Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24
Sabado

10 Hulyo 2021

8:25:47 AM
1158711

Pangulo ng Ahlul-Bayt (as) int'l University: Ang pagsunod sa halimbawa ng matagumpay na mga bansa ay hindi Westernisasyon

Pangulo ng Ahlul-Bayt Internasyonal University: Ang pagsunod sa halimbawa ng matagumpay na mga bansa ay hindi Westernisasyon. Dalawang dekada na ang nakalilipas, nagsimula na ang pang-agham ng diplomasya sa Iran. Ngunit sa mga nagdaang taon ay mas seryoso na ito, at ito ay isang bahagi ng pananagutan para sa pagsusulong ng mga layunin ng diplomasyong pang-agham ay nakasalalay sa mga unibersidad ng bansa.



Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Report Agency: Dalawang dekada na ang nakalilipas, nagsimula na ang pang-agham ng diplomasya sa Iran. Ngunit sa mga nagdaang taon ay mas seryoso ito, at bahagi pa ng pananagutan para sa pagsusulong ng mga layunin ng diplomasyong pang-agham ay nakasalalay sa mga unibersidad ng bansa.

Ang AhlulBayt (as) Internsyonal Unibersidad, ay kabilang isa sa mga internasyonal na unibersidad sa Iran, kasama na ang pagtuturo ng mga agham na teoretikal sa mga dayuhang mag-aaral, ay itinayo ang "Yas Innovation Center", sa pakikipagtulungan mula sa Opisina para sa Agham at Teknolohiya ng pangulo, at pang-agham, sa mga sentro ng pagsasaliksik at pang-edukasyon ng mundo ng Islam, lumipat din ng alinsunod sa mga layunin ng Pahayag ng Ikalawang Yugto ng Himagsikan. Tungkol naman sa diplomasyong pang-agham, ang ahensya ng balita ng IRNA ay kung saan nakapanayam si Saeed Jazari Mamoui, pangulo ng Ahlul-Bayt (as) Int'l Unibersidad, na mababasa natin sa ibaba.

Tungkol sa kahalagahan ng diplomasya ng agham sa bansa, sinabi ni Saeed Jazari Maamoui, na mayroong mga kaganapang pang-ehekutibo tulad ng representante na direktor ng edukasyon sa Marvi seminaryo, at direktor ng Kagawaran ng Mga Relihiyon ng Islamic Academy sa Germany, na sinabi niya, "Ang mga debate na kinakaharap natin ngayon sa ika-21 siglo at sa mga umuunlad na bansa, ay ang kumpetisyon para sa pang-agham na diplomasya. Bakit namin ginamit ang term na umuunlad na mga bansa dito? Sapagkat, ang landas na ito ay nabuo noong sa kalagitnaan ng ikalabinsiyam na siglo mula sa iilan mga maunlad na bansa. Malinaw na walang term na "umuunlad" sa oras na iyon. Ngunit, kung titingnan natin ang ating mga gawain ngayon, nakikita natin sinimulan na natin ang landas ng kaunlaran, at naipatatag na natin ang pang-agham sa diplomasya."

"Ang resulta ng mga aktibidad na ito, ay ang sitwasyon na sinusunod namin. Sa ilang mga bansa sa Africa at Asyano, ang mga edukadong tao at mga nagtapos sa unibersidad ang namamahala. tayo rin, sa mga umuunlad na bansa, sineseryoso ang isyu ng diplomasyong pang-agham, at ayon sa Pahayag ng Ikalawang Yugto ng Rebolusyon, na binanggit ng Kataas-taasang Pinuno ng Islamikang Republika, ang Iran ay nagbibigay ng espesyal na pansin sa diplomasyong pang-agham, "dagdag pa niya.

"Dati, at sa unang dekada ng Rebolusyong Islam, naisip ng na ng Iran ang tungkol sa pang-agham na diplomasya, at mayroong kahulugan nito. Gayunpaman, dahil sa mga pangyayaring lumitaw at nanaig sa bansa, ang daang ito ay naharap sa maraming pagtaas at kabiguan. Kung nais nating harapin ang isyung ito nang patas, sa sibilisasyon ng ilang libong taon, at sa mayamang kultura na ginamit mula sa katuruan ng Ahlul-Bayt (AS), dapat nating sabihin na hindi natin naabot ang posisyon na nararapat sa Iran, at wala tayo sa landas na karapat-dapat kami, "sinabi ng propesor ng Sorbonne University, na tumutukoy sa background ng pang-agham pagdating sa diplomasya sa loob at labas ng Iran.

"Marami ding mga bansa na walang ating mga talento ay mabilis sila sumusulong sa larangan ng pang-agham na diplomasya. Ang bilang ng mga dayuhang mag-aaral sa bansa ay hindi katimbang sa mga pasilidad ng bansa. Ayon sa Ministry of Science, mayroon lamang 42,000 mga dayuhang mag-aaral sa loob ng Iran. Nangangahulugan ito, na sa kapasidad at imprastrakturang ito, mayroon lamang tayong 42,000 mga dayuhang mag-aaral sa bansa. Karapat-dapat ba ang Iran kabilang sa mga mag-aaral? Maaari ba nating ibigay ang mga tirahan para sa pagho-host ng bilang ng isang mga pamilyadong mag-aaral sa bansa o hindi? Maaari tayong tumanggap ng mas maraming mga mag-aaral dito? Para sa aking bahagi, sinusubukan kong gumawa ng mga nakamit sa larangan ng pang-agham, na diplomasya sa pamamagitan ng unibersidad nitong (Ahlul-Bayt (as) Unibersidad), at mula sa tulong ng aking mga kasamahan, na mga piling tao at mahabagin na kabataan para sa Iran. Siyempre, kasing dami ng ating kakayahan, ”patuloy niya sinabi.

"Sa landas na ito, may ilan ding mga daloy ay nabuo sa mismo sa loob ng Iran. Ang isang halimbawa, ay ang takbo ng pagsusulat ng mga sanaysay sa mga nagdaang taon, na kung saan ilan sa kaila ay na-publish na sa ilang magasin sa buong mundo. Siyempre, may ilan ding mga dalubhasa ay maaaring pinuna ang katotohanan, na ang daloy na ito ay mababaw at hindi naaangkop para dito sa atin, at lalo na dapat nating panimulaang maghanap ng malupit pang agham. Ngunit, ang punto ko dito ay ang daloy na ito, ay kailangang may sariling mga halaga. Ang daloy nito sa bansa, at ang katotohanan na sinusubukan ng mga eksperto na isulat ang mga artikulo at ang paglalathala sa kanila, ay mahalaga. Ang pananaw na ito ay hindi gaanong karaniwan sa ibang mga bansa. Ang isyung ito ay maaaring maging isang elemento para sa pang-agham, na hinaharap ng bansa natin ngayon, upang maakay nito ang bansa sa direksyon ng pagtaas ng kumpetisyon. Sa paglaon ng panahon, ito ang mga detalye na binibigyang pansin natin sa larangan ng pang-agham na diplomasya, at mula dito sa pananaw na ito.

Bilang tugon sa tanong na iyon, kung ang pagsulong ba ng mga layunin ng pang-agham sa diplomasya ay posible lamang sa mga teoretikal na agham o hindi? Ipinaliwanag ni Jazari, "Una sa lahat, sa mga makatao rin, na wala tayo sa posisyon na kinakailangan natin. Pinupuna namin din ang Kanluran para sa ilan sa kanila na may mga ideya at teorya ng humanities. Ngunit, sa kabila ng aming mga pintas, nakikita namin na mayroon silang sariling mga teorya pagdating sa larangan ng humanities at sa batayan na ito, isinusulong nila ang kanilang mga teknikal na agham at teknolohiya."

"Kapag nakita natin ang mga sentro ng akademiko sa iba't ibang larangan, kahit pa ito ay na sa mga pang-teknikal na agham, sa mga bansa tulad ng Alemanya, Pransya o Switzerland, nalalaman natin kaagad na mayroong silang isang kanais-nais na pundasyon pagdating sa usapan ng humanities," dagdag niya.

"Mayroon ding tayo may nangilan-ngilang mga teorya sa Iran pero hindi naman tugma sa ilang mga kaso. Ayokong gumamit dito ng mga term na tulad ng oposisyon, kontradiksyon o kabalintunaan, ngunit masasabi lamang natin ito, na hindi sila magkatugma, "nakasaad lamang ito sa sarili ng isang propesor sa unibersidad.

"Sa totoo lang, maaari nating masabi na mayroon tayong kahinaan pagdating sa humanities, at ang aming mga pag-angkin tungkol dito ay nagpalala ng lumalaking kahinaan na dito. Sa palagay ko, pagdating sa larangan ng pang-agham na diplomasya, dapat magkasama-sama tayong may mga teknikal na agham at humanidadidad. Kasi sa Iran mismo, handa ang lugar para sa mga nasabi natin, ”patuloy niya.

"Kami ay may mahabang edad na at may kaalaman sa mga nag-iisip dito sa humanities, na kung saan iilan din sa kanila ay maaaring hindi sila kilala. Sinanay din ng Iran ang mga dalubhasang professionals nag-iisip sa larangan ng mga pang-teknikal na agham. Ngayon, ang mabisang proseso ng pagpili ay dapat ipakita muna sa mga taong ito. Gayundin, ang mga matagumpay na bansa ay maaaring maging isang modelo sa pagpipiliang ito. Kung susundin natin ang modelo ng iba, hindi dapat isipin ng ilan sa atin ay nakinlungsod, o nakatuon lamang ang isyu nito sa bandang Silangan, "siaabi ni Jazari, na binibigyang diin din niya, na ang pangangailangan na gamitin ang lahat ng mga potensyal ng mga bansa.

"Upang mas mailarawan pa ito ng puntong matibay, hayaan mo akong magbigay sa niyo ng isang simpleng halimbawa: Ang mga theologians ba sa Kanluran ay nagmula sa konteksto ng sosyolohiya at antropolohiya. Iyon ay may isang konsepto doon na tinawag "orientalismo". Maraming din mga orientalista noong unang bahagi ng ika-20 hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, tulad ni Henri Lammens, ay mga sociologists din bago ang mga orientalistas, at sila ay tiyak magtatagumpay pagdating sa lugar na ito. Sa larangan ng agham at akademya, kaya sa atin naman ay napabayaan lamang nating isaalang-alang ang lahat, kaya una sa lahat, ang konteksto ng sosyolohiya sa mga agham na ito. Nang hindi isinasaalang-alang ang konteksto ng sosyolohiya at antropolohiya, nilalayon nating pumasok sa ating sariling teolohiya. Kaya, dito na lumiliko ang konsepto ng sosyolohiya ng relihiyon ng bawat isa sa atin, sa isang walang laman na puwang para sa ating sariling paniniwala. Kaya, kapag nais nating umakyat sa walang laman na puwang na ito, nag-aalala tayo,” sa patuloy niya, na tumutukoy sa isang halimbawa.

"Kung nais nating pumasok sa diplomasyong pang-agham, dapat nating muna malaman na mayroon tayong serye ng mga hamon na nilikha natin mismo, at dapat natin itong lutasin. Samakatuwid, dapat muna nating suriin ang ating mga pangangailangan pagdating sa larangan ng humanities. Mayroong mga kilalang tao sa larangan ng relihiyon ng humanities, na hindi pamilyar sa sosyolohiya. Ngunit, nais nilang maging mga teologo. Kaya, ang isang relihiyon na hindi kinikilala muna ang konteksto ng lipunan, ito ay tiyak hindi siya maaaring magkaroon ng isang mabisang akademikong epekto. Kaya, kailangan pa rin muna natin ang magtrabaho sa humanities, kumuha ng mga modelo, at isantabi muna natin ang mga maling karanasang haka-haka, "sinabi ni Jazari.

..........................................