Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24
Lunes

27 Setyembre 2021

9:02:48 PM
1183649

Mahigit 14 milyong mga peregrino ang nakikilahok sa prusisyon ng Arbaeen ni Imam Hussein (as) sa Karbala

Mahigit 14 milyong mga peregrino ang nakikilahok sa prusisyon ng Arbaeeni Husseini (as) sa Karbala. Mahigit sa 14 milyong katao ang lumahok sa prusisyon ng Arbaeen sa Karbala, Iraq. Sinabi ng mga opisyal mula sa Lalawigan ng Karbala.



Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Agency: Mahigit 14 milyong katao (perigrino) ang lumahok sa prusisyon ng Arbaeen ni Imam Hussein (as) sa Karbala, Iraq. Ayon sa report na sinabi ng mga opisyal ng Lalawigan ng Karbala.

Si Jassim al-Fatlawi, representante ng gobernador ng Karbala, sinabi niya, na maraming mga peregrino ang darating sa Karbala para sa taunang prusisyon.

Idinagdag pa niya, na ang mga pagtatantya ay nagpapakita ng bilang ng mga Arbaeeni Husseini (as) na peregrino sa taong ito ay magiging mas mataas kaysa sa nakaraang taon.

Sinabi din ng opisyal sa nasabing lalawigan, na ang isang plano sa seguridad ay inilunsad sa Lalawigan ng Karbala at patuloy pa rin nagbibigay ng mga serbisyong katahimikan at pangkalusugan.

Samantala, ang Punong Ministro ng Iraq naman, na si Mustafa al-Kadhimi, na naglakbay sa Karbala, ay nagsagawa ng pagpupulong kasama ang mga opisyal ng lalawigan tungkol sa mga plano at serbisyo sa seguridad para na rin sa mga peregrino.

Salungguhit niya, ang pangangailangan para sa mananatiling mapagbantay upang matiyak ang seguridad sa Karbala at sinabi niya, na ang paglilingkod sa Arbaeen ni Imam Hussein (as) na mga peregrino, ay isang pangunahing tungkulin ng mga tao, moral at relihiyosong prusisyon.

Minarkahan ang Arbaeeni Husseini (as) bawat taong dumarating ay bilang sa ika-40 araw na anibersaryo sa pagkamartir ni Imam Hussein (as), ang pangatlong Shiah Imam, at ng kanyang 72-malalakas na kasamahan sa Labanan, nang ikasampung-araw sa buwn ng Muharam sa lupain ng Karbala, sa kung saan ay nasa timog na Iraq, noong 680 AD. Nagtatampok ang labanan ng isang hindi makatarungang labanan sa pagitan ni Imam Hussein (as) at ng kanyang iilan lamang hukbo laban sa napakaraming bilang ng hukbo ng Umayyad caliph ng panahong iyon, si Yazid bin Muawiyyah (la).

Mula noon hanggang ngayon, bawat taon, milyon-milyong mga Muslim na nagdadalamhati ang naglalakad sa isang sagisag na 80-kilometrong kahabaang lakad, na nagsisimula mula pa sa banal na lungsod ng Najaf sa Iraq, kung saan matatagpuan din ang banal na Dambana ng kaniyang mahal na Amah, na si Imam Imam Ali (as), hanggang sa banal na lungsod ng Karbala na kinalalagyan ng Banal na Dambana ni Imam Hussein (as).

.................................
328