Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Martes

25 Enero 2022

5:16:20 AM
1222242

Nakikita sa Dubai index ang pinakamalaking pagbagsak, mahigit isang buwan pagkatapos ng pag-atake ng Yemen

Nakikita sa Dubai index ang pinakamalaking pagbagsak, mahigit isang buwan pagkatapos ng pag-atake ng Yemen sa bansang Aubu Dhabi. Nakita sa Dubai index ang pinakamalaking pagbagsak nito sa loob ng mahigit isang buwan, noong Lunes nang i-target ng Yemeni army ang Al-Zafra airbase at sa mga kritikal na target sa Abu Dhabi gamit ang Zulfiqar ballistic missiles sa Operation Yemen Storm 2.



Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Agency: Nakita ng Dubai index ang pinakamalaking pagbagsak nito sa loob ng mahigit lamang ng isang buwan, noong Lunes habang pinupuntirya ng hukbong Yemeni ang Al-Zafra airbase at sa mga iba pang kritikal na target sa Abu Dhabi, gamit ang Zulfiqar ballistic missiles sa Operation ng Yemen sa Storm 2.

Bumagsak naman ang pangunahing share index ng Dubai ng 2 porsiyento, na-drag pababa ng 3.5 porsiyentong, ang pagbaba sa blue-chip developer na Emaar Properties at 1.9 porsiyentong naman sa pagbagsak sa nangungunang tagapagpahiram na Emirates NBD.

Habang bumaba naman ang index ng Abu Dhabi ng 0.1 porsiyento, na nawalan ng 0.6 porsiyento ang conglomerate International Holding.

"Ang mga pandaigdigang merkado ay nakatakdang manatiling sensitibo sa mga bagong pahiwatig ng patakaran sa labas ng Federal Reserve ngayong linggo. Mula sa pagsisimula ng bagong taon, ang mga risk asset ay muling umaayon sa mas agresibong Fed rate hikes na inaasahan para sa 2022," sinabi ni Han Tan, punong market analyst sa Exinity Group.

Sa katulad na pag-unlad, ang benchmark index ng Saudi Arabia ay bumagsak naman ng 0.6 porsiyento, na tinamaan ng 1.3 porsiyentong pagbagsak sa Al-Rajhi Bank at sa isang 2.5 porsiyentong naman ang pagbaba sa Saudi National Bank.

Ang Saudi Arabia, sa suporta ng United States, United Arab Emirates, at ilang iba pang mga bansa, ay sumalakay sa Yemen noong nakraraang Marso, sa taong 2015.

Ang pagsiklab ng digmaan ng Saudi Arabia at mga kaalyado nito laban sa Yemen ay pumatay na ng sampu-sampung libo at habang lumikas naman ang milyun-milyong mga Yemeni mula sa bansa. Ang pagsalakay ng militar ng Saudi, Emirati at Sudan ay nag-iwan din sa mahirap na bansa ang Yemen, na lubhang kapos sa pagkain at gamot.

Ang rehimeng Saudi at ang mga kaalyado nito ay nabigo sa ngayon upang makamit ang kanilang mga layunin sa digmaan laban sa mga Yemeni mamamayan.

.......................................
328