Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Sabado

5 Pebrero 2022

2:18:16 AM
1225978

Israeli Hayom": Si Nasrallah pa rin ang pinakamapanganib na kaaway para sa Israel

Ang Israeli media ay nagsasalita tungkol sa Kalihim-Heneral ng Hezbollah, na si Sayyed Hassan Nasrallah, at sinasabi nito, siya ay itinatag ang kanyang sarili sa mga nakaraang taon bilang ang pinakadakilang dalubhasa sa mga gawain ng Israel sa mundo ng mga Arabo.



Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (Sumakanila nawa ang kapayapaan) ABNA News Agency: Ang "Israel Hayom" na pahayagan ay naglathala isang artikulo na nagsasalita tungkol sa Hezbollah Secretary General, na si Sayyed Hassan Nasrallah at nagtanong, "Pagkalipas ng 30 taon bilang pinuno ng Hezbollah, saan ang destinasyon ni Nasrallah?" Itinatag ni Nasrallah ang kanyang sarili sa paglipas ng mga taon bilang ang pinakadakilang dalubhasa sa mga gawain ng Israel sa mundo ng mga Arabo."

Ang sumusunod ay ang teksto ng artikulong isinalin sa Arabic:

Si Nasrallah pa rin ang pinakamapanganib na kaaway ng mga "Israel". Mas kilala niya tayo kaysa sa iba, at mayroon siyang bukas na file laban sa atin.

Mahusay nilaro ni Nasrallah ang popular na protesta, na nanawagan para sa pag-alis ng hukbo ng mga Israel mula sa Lebanon at pinagsamantalahan ito para sa dobleng hakbang: paghahasik ng pagkabigo sa publiko ng Israel at pagpigil sa hukbo ng Israel mula sa mga operasyon nito.

Ang parehong bahagi ay gumana nang maayos: ang una ay nagresulta sa isang pangako ng lahat ng mga kandidato sa halalan noong 1999 (Ehud Barak, Benjamin Netanyahu at Itzik Mordechai) na kung sila ay mahalal na bilang pinuno at mamuno sa gobyerno ng Israel, sila ay aalis at mangtanggal sa Lebanon. Una, nahalal si Ehud Barak subalit di' niya kayang tinupad ang kanyang pangako.

Gayundin, sa ikalawang pinuno ng Israel, si Netanyahu ngunit mas lalo pang naging matagumpay ang buong lakas ng mga Hezbollah sa Lebanon at basta kaya na lamang ng Israel tanggalin ang mga mandirigmang Hezbollah. Kaya ang dalas na ng mga pagkabigo sa pagpapatakbo at ang lawak ng mga nasawi ay nagtulak mula sa IDF na itago ang sarili nitong mula sa mga posisyon at bawasan ang bilang ng mga operasyon. Sinamantala din ito ng mga Hezbollah upang palakihin ang mga pag-atake nito sa mga sites - lalo na ang paglalagay ng mga bomba sa sangang-daan at pagpapaputok ng mga anti-tank missiles, na humantong pa rin sa karamihan ng mga pagkamatay sa huling taon ng pananatili galing sa mga IDF security forces.

Ang pag-kabigong pag-alis ng mga hukbong Israel mula sa katimugang Lebanon noong taong 2000, ay isang pagtukoy mula sa kaganapan para sa mga Hezbollah. Kaya si Nasrallah pa rin ang isang itinuturing noong panahong iyon bilang isang pinakamataas na bayani, hindi lamang sa Lebanon, pati na rin sa buong mundo ng mga Arabo. Pagkatapos ay binigkas niya ang kanyang talumpati at ibinanggit niya ang "Spider's Web", kung saan inaangkin niya, na sa kabila ng mga sandatang nuklear at hukbong panghimpapawid ng kanyang kaaway, ang "Israel" ay mas mahina at malmbot pa kaysa sa bahay ng gagamba.?

Hanggang sa taong 2006, siya ay kumbinsido na maaari niyang kaharapin ang "Israel" sa isang matinding dagok, at kumilos nang naaayon mula sa kanyang sariling estrayehiya. Kaya, nagdulot na naman ito ng ilang operasyon at pagtatangkang pagsagawa ng mga kidnapping sa bansa.

Si Nasrallah ay may 150,000 missiles na maaaring umabot sa anumang puntong-sulok ng "Israel", at siya pa rin ang pinaka-mapanganib na kaaway ng mga Zionista at iba pang kaalyado nitong bansang Arabo.

"Si Nasrallah ay isang napaka-natatanging pigura," sabi ni Israeli Brigadier General Darom Shalom, na hanggang isang taon na ang nakalipas ay nagsilbi pa rin bilang isang pinuno ng research brigade sa Israeli Military Intelligence Division. "Ang isang tao na may mataas na personal na kaantasan at may nabuong eksaktong pag-iisip, matapang at ganap na may mataas na karisma at mataas na emosyonal na katalinuhan sa larangan ng mga digmaang politika. Ito ang mga katangiang nagpatanyag sa Hezbollah, at siya'y walang iba kundi si Nasrallah" dagdag niya.

Si Nasrallah ay itinuturing pa rin isang tanyag na tao mula noon hanggang ngayon, lumilikha ng isang makataong pakiramdam sa publiko, na siya ay isa sa atin (ibig sabihin ay isa sa mga tao), may isang relihiyosong titulo, at kahit hindi siya isang taong Sharia sa gobyerno, ngunit siya ang kauna-unang tao ang nagpapalakad ng nakasuotan ng balabal at turban at naiintindihan niya lahat ang problema ng kanyang sariling tauhan sa loob at labas ng kanyang komunidad, relihiyon, mas alam niya kung paano gamitin ang espesyal na kapaligiran sa paligid at gamitin ito sa tamang at sa katotohanang pamamaraan.

Itinatag ni Nasrallah ang kanyang sarili sa mga nakaraang taon bilang nangungunang dalubhasa sa mga gawain ng Israel sa mundo ng mga Arabo. Dobleng katotohanan ito sa paningin ng mga bawat Iranian: Sa tuwing ilalabas ang isyung Israeli, nagmamadali silang kumunsulta sa eksperto.

Si Nasrallah at si Khamenei ay may malapit na espesyal na relasyon sa bawat oras at bawat pagkakataon, si Nasrallah ay naglalakbay paulit-ulit sa Tehran upang ipakita sa mga Iranian ang kanyang pagtatasa sa taunang sitwasyon, sabi ni Shalom, at idinagdag pa niya, "Kapag gustong malaman ni Khamenei kung ano ang nangyayari sa Israel - siya ang kauna-unang lalaki (Sayyed Nasrallah). Alam niya kung paano niya pag-aralan nang mabuti ang sitwasyon, kaya lubos nilang naiintindihan ang mga pagkakaiba ng kanilang kalaban mula sa larangan ng mga pulitika sa digmaan." at ang pag-iisip ng publikong mamamayan.

..........................................
328