Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Miyerkules

22 Pebrero 2023

6:57:11 PM
1348388

Isang binatang Shiah ay hinatulan ng rehimeng Saudi ng bitay

Isang binatang Saudi Shiah ay hinatulan ng rehimeng Saudi ng kamatayan

Isang binatang Saudi Shiah ay ikinulong ng rehimeng Saudi at ipinahirapan mahigit limang taon, ngayon ay hinatulan ng kamatayan.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) - Balitang ABNA - Hinatulan ng kriminal na hukuman ng rehimeng Saudi, si "Muhammad Abdullah al-Faraj", isang batang Saudi Shiah ng bitay.

Ang binatang ito ay ipinakilala bilang isang kriminal at karapat-dapat sa kamatayan sa mga paratang sa kanya sapagkat kabilang daw ang pang-iinsulto sa maharlikang pamilya at pag-awit ng mga nakakainsultong slogan sa mga demonstrasyon at pagtitipon.

Sa isang ulat, na inilathala ng European Organization for Human Rights ng Saudi Arabia, nakasaad: Si Al Faraj (Setyembre 3, 1992) ay hindi pinaghahanap ng mga pwersang panseguridad at nagtrabaho siya bilang isang empleyado sa pribadong sektor. Noong Pebrero 28, 2017, sinugod ng mga naka-plainclothes na security agent ng Saudi ang kanyang pinagtatrabahuan sa Al-Damam at dinala siya sa bilangguan nang walang warrant of arrest.

Ang pamilya ni Al Faraj ay hindi nakipag-ugnayan sa kanya hanggang sa isang linggo matapos siyang arestuhin, at pagkatapos noon ay sinabi lang niya sa kanyang pamilya na siya ay inaresto. Ang binatang ito ay inilagay sa solitary confinement at walang contact mula sa kanyang pamilya sa loob ng 4 na buwan.

Ang organisasyong ito ay nagpahayag, na si Al Faraj ay pinahirapan sa pamamagitan ng pambubugbog at pagtatali ng kanyang mga kamay sa pinto upang siya ay masugatan sa pagbukas at pagsasara ng pinto. Matagal siyang ipinag-sisipa hanggang sa siya ay nahimatay. Tinakot nila si Al-Faraj, na kapag hindi siya umamin, huhulihin la daw nila ang kanyang mga kapatid na babae. Ang kanyang kapatid na babae ay ipinatawag din para sa pagtatanong sa kaso ng pagtatago ng laptop. Ang pagpapahirap na ito ay nagresulta sa pagkapunit ng kanyang tuhod at hindi man lang siya pinayagang magpagamot. Pinilit ng interogator si Al Faraj, na pirmahan ang mga papeles ng pag-amin at hindi siya pinayagang para alamin at basahin kung anuman ang mga nilalaman na kasulatan doon sa papeles na ito.

Ayon sa organisasyong ito, pagkatapos ng apat na taong pagkakakulong at pagkatapos ng kanyang paulit-ulit na kahilingan, nagtalaga ang mga awtoridad ng abogado para sa kanya, ngunit hindi nakipagtulungan ang abogado at hindi ipinaalam sa pamilya ang mga petsa ng mga hearings na iyon. Ang unang sesyon ng paglilitis sa kanya ay ginanap noong Setyembre 6, 2019. Ang unang sesyon ay ginanap sa isang kolektibong hukuman kasama ang 5 iba pang mga detenido.

Inakusahan ng tanggapan ng tagausig si Al Faraj ng ilang mga kaso, kabilang na dito ang: pakikipagtulungan sa isang teroristang grupo para patayin si Judge Mohammad Al-Jirani, pagsasanay sa seguridad at pagbaril sa mga pwersang panseguridad at kanilang mga sasakyan, pag-sigaw ng mga slogan laban sa rehimeng Saudi, pagsunog ng mga gulong, at pagbibigay ng medikal na suporta sa mga wanted na mga tao. Gayundin, ang pagsisikap na i-destabilize ang panlipunang tela sa pamamagitan ng adbokasiya, pakikilahok, pag-promote at pag-uudyok ng mga sit-in, demonstrasyon, libing at pagsali sa mga grupo sa mga social network ay kabilang sa iba pang mga paratang na iniugnay ng mga awtoridad ng hudisyal ng Saudi Arabia laban kay Al Faraj. 

Binanggit din ng organisasyong ito, hanggang sa nagkaroon na ng nervous breakdown si Al Faraj matapos marinig ang listahan ng mga akusasyon ng korte laban sa kanya. Sinabi sa pahayag, na noong Nobyembre 3, 2022, hinatulan din siya ng kriminal na hukuman ng kamatayan at kasalukuyang nasa apela pa ang kaso.

Dagdag pa rito, nabanggit ng organisasyon sa pinakahuling ulat nito, na si Al Faraj ay nagsumite ng maraming reklamo sa mga opisyal na awtoridad, kabilang ang Supreme Judicial Council, at kinumpirma na siya ay pinahirapan sa harap ng isang hukoman, gayunpaman, wala sa mga reklamo na Hindi siya nasuri.

Sinabi ng European Organization for Human Rights sa Saudi Arabia, na ang mga singil laban kay Al Faraj ay malinaw na nagpapakita ng pampulitikang paggamit ng parusang kamatayan, dahil isinasaalang-alang ng korte ang paglahok sa mga demonstrasyon at pag-sigaw ng mga slogan laban sa maharlikang pamilya bilang mga singil na kinasasangkutan ng pagpatay. Kinumpirma rin ng organisasyon, na sa pagpapalabas ng mga parusang kamatayan batay sa mga pag-amin, na nakuha sa ilalim ng pah-torture, nilalabag ng Saudi Arabia ang mga internasyonal na obligasyon nito, kabilang ang Convention laban sa Torture, na pinagtibay nito noong 1997.

Ayon sa istatistika ng organisasyong ito, si Al Faraj kasama ang 64 na tao ay pinagbabantaan ng kamatayan sa kabila ng mga paglabag na kanilang ginawa mula noong sandali ng kanilang pag-aresto, kabilang ang sapilitang pagkawala, tortyur at pagtanggi ng kanilang pag-access sa iba't ibang antas ng hustisya sa Saudi Arabia.

………………….

328