Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Sabado

4 Marso 2023

7:28:21 PM
1350546

Isang pinaka-malapit na tagapayo kay Mohammed bin Salman ang nangangasiwa sa pagpapahirap sa mga detenido

Isang pinaka-malapit na tagapayo kay Mohammed bin Salman ang personal na nangangasiwa sa pagpapahirap sa mga detenido sa Saudi

Ang pangalan nito ay si "Muhammad Al-Sheikh - bilang Counselor" ay lumitaw bilang isang sangkot sa pagsasagawa ng mga malubhang paglabag at isang direktang superbisor ng tortyur sa mga detenido, lalong-lalo na ang mga Shiah matapos ang isa sa kanyang mga biktima ay magsampa ng kaso laban sa kanya sa Korte Suprema ng Hustisya sa Ontario, Canada .

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) - Balitang ABNA – Ang mga ulat ng karapatang pantao ay nagsiwalat ng isang tao sangkot sa pag-papahirap sa mga detenido sa Saudi, at ito pinangalanang Muhammad Al-Sheikh, Tagapangulo ng Lupon ng mga Direktor ng Saudi Awtoridad para sa Intelektwal na Ari-arian, ay personal na pinangangasiwaan ang pagpapahirap sa mga detenido sa pagitan ng Setyembre 2017 at Oktubre 2018, at ito ay iligal na kinumpiska ng mga ari-arian sa partikular, ang mga kilalang negosyanteng Saudi at dating opisyal ng gobyerno ay ikinulong sa hotel ng “Ritz-Carlton” sa Riyadh noong Nobyembre 2017. Si Muhammad Al-Sheikh ay isang malapit na tagapayo kay Muhammad bin Salman. Siya ay hinirang na Pangulo ng Saudi Awtoridad para sa Intelektwal Property noong Nobyembre 13, 2020. Isa rin siyang Minister ng Estado, miyembro din siya ng Council of Ministers, at miyembro din siya ng Council ng Economic and Development Affairs.
Lumitaw ang kanyang pangalan bilang sangkot sa pagsasagawa ng mga malalalang paglabag at isang direktang superbisor ng pag-tortyur sa mga detenido, matapos ang isa sa kanyang mga biktima ay nagsampa ng kaso laban sa kanya sa Korte Suprema ng Hustisya sa Ontario, Canada.
Si Salem Al-Muzaini, isang negosyanteng Saudi, ay isa sa mga biktima ni Muhammad Al-Sheikh, sa ilalim ng direktang utos ni Bin Salman.
Nakatanggap ang korte ng Canada ng mga dokumentong nagbubunyag kay Muhammad Al-Sheikh ay personal na naroroon sa mga sesyon ng pag-tortyur sa pagitan ng Setyembre 2017 at Enero 2018. Sa kanyang testimonya sa korte, sinabi ni Al-Muzaini, na narinig niya na iniutos ni Al-Sheikh ang kanyang katulong na si Hindi Al-Suhaimi , upang matiyak na inilipat ni Al-Muzaini ang kanyang pera at mga ari-arian, kabilang a dito ang pagmamay-ari ng Sky Prime Airlines, sa Public Investment Fund (Sovereign Wealth Fund).
Ayon kay Al-Muzaini, naganap ang proseso ng paglilipat matapos siyang ipinahirapan at pisikal na inabuso ng ilang opisyal ng mga Saudi mula sa Royal Court at ng Presidency of State Security.
Kabilang sa mga opisyal ay sina Badr Lafi Al-Otaibi, Saud Al-Qahtani, Maher Abdel-Aziz, si Mutreb at si Mishaal Al-Bustani, ganoon din si Muhammad Saad Al-Zahrani, si Saif Al-Qahtani, si Abdulaziz Al-Hawsawi, si Mustafa Muhammad Al-Madani at si Fahd Shabib Al-Balawi.
Si Al-Muzaini ay inaresto sa unang pagkakataon sa Ritz-Carlton Hotel mula Setyembre 27, 2017 hanggang Enero 18, 2018.
Matapos siyang pinalaya, pinagbawalan na siya sa paglalakbay at pinilit pa daw siya magsuot ng ankle monitor.
Ang mga bakas ng tortyur ay makikita pa rin daw hanggang ngayon sa katawan ni Al-Muzaini, gaya ng dokumentado ng mga larawang nakalakip sa kanyang nakasulat na pahayag sa korte ng Canada.
May butas ang kanyang noo dahil sa isang suntok sa panahon ng interogasyon, at patuloy na nalalagas ang mga kuko ni al-Muzaini, dahil sa paulit-ulit na suntok sa kanyang mga binti at paa. Siya ay patuloy dumaranas ng pagkabalisa at trauma bilang resulta ng kanyang pag-aresto at pagpapahirap.
Muli siyang inaresto ng mga awtoridad noong Agosto 24, 2020, at siya ay kasalukuyang nakakulong.
Brutal na pagpapahirap sa ilalim ng mga mata ni Al-Sheikh.
Sa kanyang nakasulat na pahayag sa harap ng korte ng Canada, inilarawan ni Al-Muzaini ang pagpapahirap sa kanya sa panahon ng kanyang interogasyon sa bilangguan ng Al-Ha'ir, isang bilangguan sa Jeddah, at sa “Ritz-Carlton ” hotel sa Riyadh, kabilang ang mga pambubugbog, latigo, forced pressure position, electric shock, at kawalan ng pagkain.
Kinumpirma din ni Al-Muzaini, na naroroon si Al-Sheikh sa ilan sa mga sesyon ng interogasyon at tortyur. Sinabi pa ni Al-Muzaini, na pinalo siya ng mga opisyal gamit ang mga rehas na bakal at malupit na gawain, tulad ng paghagupit ng guwardiya sa mga bilangguan sa kanyang ari sa tuwing pupunta siya sa banyo.
Kasama sa mga pailinaka-malupit na tortyur, kung saan ito ay hinding-hindi makatao ang kanilang pagtrato, at nakababahalang mga gawain ang pagpilit kay al-Muzaini,  na gumapang sa sahig at tumahol na parang aso.
Bilang bahagi ng proseso ng pagkumpiska sa mga ari-arian ni Al-Muzaini, inilipat din ni Muhammad Al-Sheikh ang dalawang pribadong eroplano na nakumpiska mula sa kumpanyang "Sky Prime" patungo sa Public Investment Fund, at kalaunan ng panahon ay ginamit din ito upang pamunuan ang assassination squad na pumatay at humiwalay sa mamamahayag. Katulad ng ginawa kay Jamal Khashoggi sa konsulado ng Saudi sa Istanbul, noong Oktubre 2018.
Tinukoy din ito ng malinaw ni Al - Muzaini ang 10 opisyal at indibidwal na sangkot sa pagpatay kay Khashoggi, na kung saan sangkot din sa kanyang pagpapahirap at pisikal na pang-aabuso.
Ilang mga internasyonal na organisasyon ng karapatang pantao ang nanawagan para sa mga parusa na ipinataw kay Muhammad Al-Sheikh at sa iba pang katulad niya na sangkot sa tortyur at pang-aabuso.
.......................

328