Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : al-Mayadin.Net
Linggo

19 Marso 2023

5:12:26 PM
1352990

Inaanyayahan ng Hari ng Saudi ang Pangulo ng Iran upang bumista sa Kaharian

Inaanyayahan ng Hari ng Saudi Arabia ang Pangulo ng Islamikong Republika ng Iran upang bisitahin ang Kaharian

Nagpadala ng mensahe ang Kaharian ng Saudi Arabia, si Haring Salman bin Abdulaziz kay Iranian Presidente, si Seyyid Ibrahim Raisi, na nagpapahayag ng kanyang pagtanggap sa kasunduan para ipagpatuloy ang diplomatikong relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) - Balitang ABNA - Ngayong araw, Linggo, ang Hari ng Saudi, si Salman bin Abdulaziz, ay nagpadala ng mensahe kay Sayyid Dr. Ibrahim Raisi, Pangulo ng Islamikong Republika ng Iran. Kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagtanggap sa kasunduan para ipagpatuloy ang diplomatikong relasyon sa pagitan ng dalawang bansa, at inanyayahan siya para sa isang opisyal na pagbisita sa Riyadh. 

Ang kinatawan ng Opisina ng Pangulo ng Iran para sa mga Ugnayang Pampulitika, si Muhammad Jamshidi, ay nagsabi sa Twitter ngayong araw, Linggo, na kung saan " Ito ay mula sa isang opisyal na mensahe mula kay Haring Salman bin Abdulaziz ng Saudi para kay Iranian Presidente, si Dr. Sayyid Ibrahim Raisi, tinanggap ni naman Haring Salman ang kasunduan ng dalawang magkapatid na bansa, at inimbitahan pa niya ang Iranian presidente para sa isang opisyal na pagbisita sa Riyadh." 

Idinagdag pa niya, "Nanawagan naman si Haring Salman para sa pagpapalakas ng kooperasyong pang-ekonomiya at rehiyonal sa pagitan ng dalawang bansa... Habang ang pangulo ng Iran, aminit ito itinanggap ang imbitasyon ni Haring Salman at pinagtibay pa niya ang kahandaan ng Iran upang mas lalo pang pahusayin ang kooperasyon ng dalawang magkapatid na bansa."

Sa isang liham naman mula kay Pangulong Raisi, siya, si Haring Salman bin Abdulaziz na Hari ng Saudi Arabia ay tinanggap ang kasunduan sa pagitan ng dalawang magkapatid na bansa, at inimbitahan siya upang bumista sa opisyal na pag-bisita sa Riyadh at nanawagan nanawagan din ito para sa mas lalo pang patatahin at palakasin ang kooperasyong pang-ekonomiya/rehiyonal. Habang mainit naman ito itinanggap ni Pangulong Sayyid Raisi ang imbitasyon at idiniin pa niya ang kahandaan ng Iran para mas lalo pang palawakin ang kooperasyon

Mohammad Jamshidi (@MhmmdJamshidi) Marso 19, 2023.

Maaga kanina, ngayong araw, Linggo, inihayag naman ng Ministrong Panlabas ng Iran, si Hussein Amir Abdullahian, na malapit na rin niyang matugunan ang kanyang katapat na Saudi Arabia, si Faisal bin Farhan, nagpapahiwatig na sumang-ayon siya sa kanya, na ang mga teknikal na delegasyon ay bibisita sila sa mga embahada at maghanda para sa kanilang muling pagbubukas .

Ilang araw lamang din ang nakalilipas, ang Gabinete ng Saudi Arabia ay nagpahayag ng kanilang pag-asa na ipagpatuloy ng husto ang nakabubuo na diyalogo sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia, alinsunod sa mga prinsipyo ng kasunduan na ipagpatuloy ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa, na naabot noong nakaraang Biyernes sa ilalim ng pamumuno ng mga Tsino.

Noong nakaraang Martes, tinalakay ng Saudi Council ng Ministers, na pinamumunuan ni Haring Salman bin Abdulaziz, kung ano ang naabot sa pagitan ng Kaharian at Islamikang Republika ng Iran sa Beijing, hinggil sa isang kasunduan na kinabibilangan ng pagsang-ayon na ipagpatuloy ang diplomatikong relasyon sa pagitan ng dalawang bansa, ayon sa ahensyang "Tass". .

.............

328