Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Sabado

15 Abril 2023

5:21:44 PM
1358208

US Deputy: Gusto ni Joe Biden palawakin pa ang salungatan sa Ukraine at Russia

US Deputy: Gusto ni Joe Biden mas lalo pang palawakin ang salungatan sa Ukraine at Russia

Kinumpirma ni Green, na ang desisyon ng pangulo ng Estados Unidos, na pondohan pa ang isang proxy war sa Russia ay hindi lamang sinasabotahe ang lahat ng mga hakbangin sa kapayapaan sa nasabing bansa.

Ayon sa ulat na iniulat ng Balitang Ahensiya ng Ahl al-Bayt (AS) – Baltang ABNA – Sumulat si US Congresswoman Marjorie Taylor Green, sa kanyang liham sa Kalihim ng Depensa, na ipinapadala ni US President Joe Biden ang mga pwersa ng US sa Ukraine upang pagsiklab ang tunggalian at pag-udyok ng digmaan sa pagitan ng Ukrain at Russia, ang Washington laban sa Moscow.
"Ang presensya ng mgabUS militar sa Ukraine ay hindi kailanman inaprubahan ng Kongreso at nagpapakita ng pagnanais ni Joe Biden na palawakin ang labanan sa pagitan ng dalawang kapangyarihang nukleyar," sinabi ni Green.

Binigyang-diin din ni Green, na ang desisyon ng pinuno ng White House, si Joe Biden, na pondohan pa ng pondohan ang isang proxy war sa Russia ay hindi lamang sinasabotahe ang lahat ng mga hakbangin sa kapayapaan, ngunit inilalagay pa ito sa isang planeta sa bingit ng isang nuclear holocaust.

Nakatanggap naman ang Ukraine ng malaking tulong pinansyal at militar mula sa mga Kanluraning bansa, na pinamumunuan ng Estados Unidos, Britain at iba pang mga bansa sa Europa, mula nang magsimula ang espesyal na operasyong militar ng Russia sa Ukraine, noong Pebrero 24 ng nakaraang taon.
Ang mga bansa sa Kanluran ay naghahanap, sa pamamagitan ng materyal, militar at suportang pampulitika na ibinibigay nila sa Kiev, upang hadlangan ang mga layunin ng operasyong militar ng Russia sa Donbass.
Kinumpirma ng Moscow, mahigit sa isang pagkakataon, na ang mga operasyong militar sa Donbass ay hindi titigil hangga't hindi nakakamit ang lahat ng mga gawaing itinalaga dito.

......................................

328