Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Huwebes

20 Abril 2023

6:15:33 PM
1359560

Patuloy sinubaybayan ng IRGC ang drone boat ng US dumadaan sa Strait Hormuz

Patuloy sinubaybayan ng IRGC ang drone boat ng US dumadaan sa Strait Hormuz

Ang US Navy ay naglayag sa isang drone boat sa Strait ng Hormuz sa timog karagatan ng Iran habang ang mga pwersa ng Islamikong Rebolusyonaryong Guard Corps (IRGC) ay mahigpit sinusubaybayan ang paggalaw nito sa pamamagitan ng estratehikong daluyan ng tubig, sinabi ng mga ulat.

Ayon sa Ahensyang Balita ng AhlulBayt (AS) - Balitang ABNA  - Naglayag ang US Navy ng drone boat sa kalagitnaan ng Strait ng Hormuz, sa katimugang karagatan ng Persian Gulf habang mahigpit sila binabantayan ng mga puwersa ng Islamikong Rebolutionaryong Guard Corps (IRGC) ang paggalaw nito sa estratehikong daluyan ng Iraniang sariling karagatan, sabi ng mga ulat.

Ang ulat ng Miyerkules ng Associated Press ay nagsabi,  na ang L3 Harris Arabian Fox MAST-13 ay nakatanggap ng atensyon ng mga pwersa ng IRGC, na nakatalaga sa Strait ng Hormuz nang ito ay gumagalaw sa dinadaanang tubig.

Sinipi ng ulat ang tagapagsalita ng US Navy, na si Commander Timothy Hawkins nagsabi, na ang drone boat ay ligtas naman daw ito dumaan sa kipot ng Hormuz at wala namang insidente.

Sinabi ng militar ng US, na gumagamit ito ng mga drone boat sa Persian Gulf upang protektahan ang mga tanker nito laban daw sa mga "kahina-hinalang mga pagsabog".

.....................

328