Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Miyerkules

3 Mayo 2023

6:45:06 PM
1362446

Presidente Raisi: Ang rehimeng Zionista ay magwawakas sa oras ng kanyang paglunsad laban sa Iran

Presidente Raisi: Ang rehimeng Zionista ay magwawakas sa oras ng kanyang unang pag-atake laban sa Iran

Ang Pangulo ng Iran, sinabi ni Ebrahim Raeisi, na ang rehimeng Tel Aviv ay mawawasak kung sakaling gumawa ito ng unang aksyon laban sa Iran.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) - Balitang ABNA -  Sinabi ng Pangulo ng Iran,  si Seyyid Ebrahim Raeisi, na mawawasak ang rehimeng Tel Aviv kung sakaling gumawa ito ng unang malinh aksyon laban sa Iran.

Ginawa ni Pangulong Raeisi ang mga komento sa isang panayam sa Lebanese Al-Mayadeen TV, na malapit sa mga grupo ng paglaban sa Gitnang Silangan.

Ang rehimeng Zionista ay galit-galit sa pagitang relasyon ng Tehran-Riyadh, sinabi ng pangulo ng Iran, na naglalarawan sa Iran at Saudi Arabia bilang isang dalawang maimpluwensyang bansa sa bupnh rehiyon ng Gitnang Silangan.

Dahil hindi kayang pangalagaan ng mga Zionista ang kanilang sariling seguridad, ayon kay Raeisi, at idinagdag niya pa na habang ang rehimeng Israeli ay humihina at natatakot, ang mga grupong mandirigma namam ng Islam ay mas lalong lumalakas at tumatapang.

Sinabi pa niya, na "Anumang aksyon ng Israeli laban sa Iran ay mangangahulugan ng pagkawasak ng rehimeng iyon."

Sa ibang lugar, binigyang-diin ng pangulo na kailangang umalis kaagad ang mga Amerikano mula sa lupain ng Syria, "Dapat gamitin ng Syria ang soberanya nito sa lahat ng lupain nito. Handa kaming makipagtulungan sa mga tao at pamahalaan ng Syria sa muling pagtatayo ng kanilang sariling bansa."

Nabanggit din niya, na ang mga Amerikano ay kailangang wala sila sa Syria upang labanan ang terorismo, na nagsasabing "Dapat nating ibunyag ang mga kasinungalingan ang sundalong ng mga Amerikano laban sa terorismo at ipaalam sa buong mundo na sa halip ay hinahawakan nila ang terorismo, mula sa kanila mismo nag-uugat at pinag-mulan nito."

......................

328