Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Sabado

6 Mayo 2023

7:05:24 PM
1363267

Hinimok ni Syed Navab ang mga kleriko sa Hajj tulungan ang mga peregrino sa Espirituwal na Paglalakbay

Hinimok ni Syed Navab ang mga kleriko sa Hajj para tulungan ang mga peregrino na makinabang sa Espirituwal na Paglalakbay

Nanawagan ang isang opisyal ng Iranian Hajj sa mga kleriko, na piniling samahang makinabang sa mga peregrino sa Hajj ngayong taon upang maging masulit ang espirituwal na paglalakbay nito.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) - Balitang ABNA  - Isang Iraniang opisyal sa Hajj, ang nanawagan sa mga kleriko na piniling samahan ang mga pilgrims sa Hajj ngayong taon upang tulungan maging maayos ang mga peregrino at masulit naman ang espirituwal na paglalakbay nito.

Sinabi ni Si Hojjat-ul-Islam Seyyed Abdol Fattah Navab, ang kinatawan ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko sa mga gawain sa Hajj at pilgrimage, ay nagsalita sa isang pagtitipon sa mga Iranian Hajj kleriko at mga katulong nito ginanap sa Tehran noong Huwebes.

Sinabi niya, na habang sa mga araw na ito ang mga kaaway ng Islam ay pinupuntirya ang kultura at paniniwala ng mga pamilya at sinusubukang ipalaganap ang Kanluraning pamumuhay, dapat gamitin ng mga kleriko ng Hajj ang peregrinasyong ito bilang isang pagkakataon upang buhayin at itaguyod ang mga turo at tradisyon ng Islam.

Inilarawan din ito ni Hojat-ol-Islam Navab, bilang isang banal na pagpapala para sa mga kleriko na napiling maglingkod sa mga peregrino ng Hajj, at idinagdag pa niya, na dapat silang gumawa ng mga ibat-ibang plano at sop para sa bawat minuto ng paglalakbay at subukang pahusayin ang mga epekto ng kanilang mga aktibidad sa na panahon ng paglalakbay.

Idinagdag pa niya, na ang mga kleriko ay dapat maging handa para sa pagtugon sa ideolohikal, batay sa pananampalataya at relihiyosong pangangailangan ng ating mga mahal na peregrino sa pinakamahusay na posibleng paraan.

Ayon sa Pinuno ng Iran's Hajj at Pilgrimage Organization, idinagdag pa ni Seyed Sadeq Hosseini, may 85,000 Iranian ang lalahok sa Hajj ngayong taon.

Iyan ang mga quota na inilaan ng Saudi Arabia sa Iran.

Noong 2022, tumanggap naman ang Saudi Arabia ng mga dayuhang peregrino, kabilang ang mga Iranian, para sa Hajj pagkatapos ng dalawang taong pagkakasuspinde dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ipinapakita ng mga numero para lumahok ngayong taon ay humigit-kumulang 1.2 milyong Iranian ang nasa listahan ng naghihintay para sa paglalakbay sa Saudi Arabia upang magsagawa ng Hajj pilgrimage. Ilang taon na silang naghihintay para sa kanilang turn.

Ang Hajj ay isang paglalakbay sa banal na lungsod ng Mecca, na ang bawat Muslim na may kakayahan at may kakayahang pinansyal ay obligadong gawin kahit isang beses lamang sa kanilang buong buhay.

...............

328