Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Linggo

7 Mayo 2023

5:09:13 PM
1363559

Sumasang-ayon ang mga opisyal ng Arab League iluklok ang Syria sa puwesto nito

Sumasang-ayon ang mga opisyal ng Arab League ibalik ang Syria sa puwesto nito

Mga dayuhang ministro ng mga bansang Arabo ay sumang-ayon, sa isang pambihirang pulong iginanap sa Cairo, ngayong araw, sa pagbabalik ng Syria sa puwesto sa Liga ng mga Estadong Arabong Estado.

Ayon sa Ahensiyang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) - Balitang ABNA - Nagkasundo ang mga dayuhang ministro ng mga bansang Arabo sa kanilang pambihirang pagpupulong, ngayong araw, Linggo, para ibalik ang bansang Syria sa puwesto nito sa Liga ng mga Arabong Estado. Ang
opisyal na tagapagsalita para sa Kalihim-Heneral ng Liga ng mga Arabong Estado, sinabi ni Jamal Rushdi: Pinagtibay ng miyembro ng mga Arabong League ang desisyon para opisyal ibalik ang Syriang Arabo sa kanyang pwesto.
Kinumpirma rin ng direktor ng tanggapan ng Al-Mayadeen sa Cairo,  na ang karamihan sa mga bansang Arabo ay sumang-ayon at sumusuporta sa pagbabalik ng bansang Syria sa puwesto nito sa Liga, nang walang pagtanggi o reserbasyon.
Itinuro naman ng correspondent na "ang delegado ng Qatar ay walang reserbasyon tungkol sa desisyon nito para kanselahin ang pag-freeze sa pagiging miyembro ng Syriang Arabo sa nasabing League Council."
Habang ang tagapagsalita naman ng Iraqi Foreign Ministry, si Ahmed al-Sahhaf, ay tumayo sa nabanggit na pulong para nag-anunsyo mula sa Cairo, na "ang Arab foreign ministers ay sumang-ayon para sa butuhan na dapat lang ito ibalik ang Syria sa kanyang pwesto sa Arab League."
Sinabi ni Al-Sahhaf, "Ang diplomasya ng diyalogo at ang mga pagsisikap ng Arab integration na pinagtibay ng Iraq ay may tunay na pagsisikap na ibalik ang Syria sa puwesto nito sa Arab League."
Sa isang pahayag kay Al-Mayadeen, sinabi ni Al-Sahhaf, "Ang pinaghirapan ng Iraqi Foreign Ministry sa loob ng maraming taon ay nakamit ngayon, at ito ay makikita sa seguridad ng rehiyon pati na rin ng Syria."
Sa katapusan nag-pagpupulong, ang Egyptian Foreign Minister, sinabi naman ni Sameh Shoukry: "Ang lahat ng mga yugto ng krisis sa Syria ay napatunayan na walang solusyong militar dito."
Idinagdag ni Shoukry, "Ang tanging paraan upang malutas ang krisis sa Syria ay isang solusyong pampulitika na may eksklusibong pagmamay-ari ng mamamayang Syrian lamang, nang walang panlabas na dikta."
Nakita din ng Egyptian Foreign Minister na "lahat ng uri ng terorismo sa Syria ay dapat lamang matatanggal."
........................

328