Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Linggo

26 Nobyembre 2023

5:39:10 AM
1414918

Venezuela FM | Nasa Miami ang anak ni Netanyahu sa panahon nitong pag-patay sa Gaza

Venezuela FM | Nasa Miami ang anak ni Netanyahu sa panahon nitong pag-patay sa Gaza

Pinuna ng Ministrong Panlabas ng Venezuela, si Yvan Gil ang marangyang pamumuhay ng anak ni Benjamin Netanyahu sa Miami, at sinabing sabay-sabay ang pagsagawa ng pag-patay ang kanyang ama sa Gaza Strip.

Ayon sa Ahensyang Balita ng AhlulBayt (AS) -: Balitang ABNA  :- Pinuna ng Ministrong Panlabas ng Venezuela, na si Yvan Gil ang marangyang pamumuhay ng anak ni Benjamin Netanyahu sa Miami, at sinabing sabay-sabay ang pagsagawa ng pag-patay ang kanyang ama sa Gaza Strip.

Sumulat si Gil sa kanyang X social media platform, na dating kilala bilang Twitter: "Habang ang Punong Ministro ng Israel, na si Benjamin Netanyahu, ay nag-uutos sa Israeli Army na magsagawa ng isang kampanya ng paglipol at paglilinis ng etniko laban sa mga mamamayang Palestino sa Gaza Strip, ang kanyang anak na lalaki. Si Yair Netanyahu ay naninirahan nang mapayapa sa Miami, Estados Unidos".

Binigyang-diin niya na, "Ganito ang operasyon ng mga oligarkiya sa buong mundo. Ang kanilang mga pinunong Zionista, mga tuta ng Washington, ay nanawagan para sa mga interbensyon ng militar laban sa ibang bansa, mga blockade sa ekonomiya, o digmaan laban sa mga mahihinang populasyon, na nagpapadala ng mga kabataan upang patayin ang ibang mga kabataan sa ibang bansa", idinagdag pa niya, na "habang ang kanilang mga anak naman ay mamuhay ng mapayapa doon sa mga malalayo at ligtas sa mga patayan, protektado at napapaligiran ng mga karangyaan".

Sa kanyang tweet, nanawagan si Gil sa mundo,  na kumilos laban kay Netanyahu, kanyang mga ministro, at mga opisyal ng hukbo, na idiniin dapat silang kasuhan para sa mga krimen laban sa sangkatauhan, sa Gaza, sa Palestine.

Tinapos niya ang kanyang post sa pagsasabing: “Hindi malilimutan ng kasaysayan kung sino ang responsable at kasabwat sa pagpatay sa mahigit 15,000 mga Palestino, karamihan sa kanila ay mga bata, mga babae at mga matatanda. Ang Palestine ay magiging malaya sa darating na panahon ”.

..................

328