Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Lunes

27 Nobyembre 2023

5:42:47 AM
1415162

Ipinaslang ng mga puwersang Zionista ang 4 na kabataang Palestino sa Jenin

Ipinaslang ng mga puwersang Zionista ang 4 na kabataang Palestino sa Jenin

Pinatay ng mga puwersang Israeli ang apat na kabataang Palestino, kabilang na dito ang isang binatilyo, sa isang marahas na pagsalakay sa sinasakop na lungsod ng Jenin, sa West Bank.

Ayon sa Ahensyang Balitang ng Ahl al-Bayt (AS) -: Balitang ABNA  :- Pinatay ng mga puwersa ng Israel ang apat na kabataang Palestino, kabilang na ang isa dito ay binatilyo, sa isang marahas na pagsalakay sa sinasakop na lungsod ng Jenin, sa West Bank.

Anim na iba pang mga Palestino ang nasugatan din ng live fire ng mga tropang Zionista sa panahon ng pag-atake,  na tumutok sa lungsod noong Linggo, kung saan kinubkob ng mga pwersa ng rehimen ang mga ospital ng Shaheed Khalil Suleiman at Ibn Sina, iniulat mula sa mga opisyal na Palestino ng Balitang Ahensya ng Wafa.

Sinipi din ng Ahensya ang direktor ng Al-Razi Hospital, na kinilala ang pinakabagong mga biktima ng kalupitan ng mga puwersa ng Zionista, na sina Ammar Muhammad Abu al-Wafa (21 taong gulang), sina Ahmed Abu al-Hija (20 taong gulang), Muhammad Mahmoud Fraihat (27 taong gulang). old) at si Mahmoud Khaled Abu al-Hija (17 taong gulang).

Ayon sa ulat, isang malaking grupo ng mga pwersa ng rehimeng Zionista, na sinamahan ng mga bulldozer ng militar, ang sumalakay sa lungsod ng Jenin mula sa iba't ibang direksyon. Bilang karagdagan sa mga ospital, pinalibutan din nila ang punong tanggapan ng Red Crescent Society,  ang nasabing lugar.

Ang mga pwersang Israeli ay nagtalaga din ng mga snipers sa mga bubong ng ilang matataas na gusali, habang ang kanilang mga buldoser ay sinisira ang ilang mga kalye at tahanan sa ilang mga kapitbahayan at sa labas ng kampo ng mga refugee ng Jenin. Pinutol din nila ang kuryente sa ilang kapitbahayan nito at sa paligid ng kampo.

Inatake din ng mga pwersa ng rehimeng Zionista ang mga tahanan ng mga tao sa Jenin, na kung saan sinira nila ang mga malaking bilang ng mga sasakyan ng mga Palestino at nagdulot ito ng pinsala sa imprastraktura sa nabanggit na lungsod.

Sa panahon ng pagsalakay, lumipad ang sasakyang panghimpapawid ng Israel sa lungsod para nagsasagawa ng matinding paglipad ng reconnaissance.

Pinalakas ng mga rehimen ang pagsalakay nito laban sa mga Palestino sa buong West Bank, na kung saan din ikinamatay ng daan-daang mga ito sa buong sinasakop na teritoryo, mula noong Oktubre 7, nang maglunsad ito ng digmaan ng genocide laban sa kinubkob na Gaza Strip.

Halos 15,000 kataong Palestino ang napatay sa madugong pagsalakay ng rehimeng Zionista laban sa Gaza bago ang pansamantalang apat na araw na tigil-putukan ay pumasok pa rin ang malalaking puwersa ng zionistang mananakop noong Biyernes.

...............

328