Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Lunes

27 Nobyembre 2023

11:47:46 AM
1415250

Hebrew Media | Sinakop ng mga Ansar'Allah ang isang bagong barko sa baybayin ng Yemen

Hebrew Media | Sinakop ng mga Ansar'Allah ang isang bagong barko sa baybayin ng Yemen

Ipinakita ang data nito ng LSEG, na isang medyo maliit na tanker ng langis ay pinatatakbo ng Zodiac Maritime Limited, na kung saan ito ay pagmamay-ari ng Israel, isang internasyonal na kumpanya sa pamamahala ng barko na nakabase sa London.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) -: Balitang ABNA  :- Sinabi ng isang opisyal ng depensa ng US na pinaniniwalaan nila  na sinamsam ng hindi kilalang mga armadong lalaki ang isang tangke ng langis ng “Central Park” sa Gulpo ng Aden noong Linggo, kahapon kaya ito ang pangalawang barko na nasamsam ng mga Houthis Ansar'Allah, sa Yemen mula nang magsimula ang pagsalakay nito laban sa Gaza.

Ipinapakita din ang data ng LSEG nsbito, na medyo maliit na tanker ng langis ay pinatatakbo ng Zodiac Maritime Limited, na pagmamay-ari ng isang Israeli kampanya, isang internasyonal na kumpanya sa pamamahala ng barko na kung saan iyo ay nakabase sa London.

Iniulat ng pahayagang Hebrew ng Yedioth Ahronoth noong Linggo, kahapon, na inagaw ng mga Houthis Ansar'Allah ang isa pang barko na pag-aari ng "Israelis" na tinatawag na "Central Park" at habang bitbit at wagay-way nito ay isang bandila ng Liberia.

Sinipi ng pahayagan ng Yedioth Ahronoth ang Zodiac Company, na nagsasabi, isang barko ay "na-hijack sa karagatan ng Yemen ay may dalang kargamento ng phosphoric acid," na binabanggit nila, na ang isang pangkat ng pamamahala ng krisis ay itinalaga ito sa punong tanggapan nito sa London.

Ang insidenteng ito ay matapos na target ng Houthis Ansar'Allah ang isa pang barko noong nakaraang araw, Biyernes, at nasamsam din nito ang isa pang cargo ship na naka-link sa Israel sa southern Red Sea noong nakaraang linggo naman.

Sinabi ng American defense official sa Associated Press - Ayon sa paglalarawan ng ahensya, na hindi pa nagbigay ng buong mga detalye tungkol sa nabanggit - na isang barko, na may dalang bandila ng Malta ay pinaghihinalaang tinatarget ng isang Iranian Shahed-136 drone din, na may dalang bomba, habang ito ay nasa internasyonal na karagatan daw.

Ipinunto din niya, na ang drone ay sumabog, na nagdulot ng pinsala sa barko nang sa ganoon, sa kabutihang palad ay walang sinumang nasaktan ang sinuman sa mga tripulante at mga crews nito.

Iniulat sin ito ng Embrey Maritime Security Company noong Linggo, na ang isang oil tanker na kabilang sa isang Israeli-linked company ay naharang sa baybayin ng Yemen, pagkatapos ng mga katulad na insidente sa parehong ruta ng pagpapadala.

Ayon kay Embrey, "sinusubaybayan ng US Navy ang sitwasyon" pagkatapos ng insidente na kinasasangkutan ng barkong "Central Park", na kung saan naman ay pag-aari ito ng isang kumpanyang nakabase sa UK, na naka-link sa Israel.

Itinuro din niya, na ang Houthis Ansar'Allah, na naka-link sa Iran, ay dati nang nagbanta na sasalakayin nila ng mahigpit ang mga barko kung hindi ito lilihis ng landas patungo sa daungan ng Hodeidah, sa Karagatan ng Yemen.

Idinagdag pa ng kumpanya, na ang mga komunikasyon ay naharang mula sa isang US coalition warship na nagbabala sa Central Park, na huwag pansinin ang mga mensahe nag-interrupt sa RadyoTelekomonikasyon sistema.

Ayon sa kumpanya, ang mga taong sumakay sa tanker ay naganap sa baybayin ng Yemeni coastal city ng Aden, kung saan ang isa pang barko sa lugar ay nag-ulat ng "paglapit ng walong tao sa dalawang bangka na nakasuot ng uniporme ng militar."

"Ang aming priyoridad ay ang kaligtasan ng aming 22 crew," Zodiac Maritime, na nagpapatakbo ng barko, sinabi niya sa isang pahayag.

Nagpatuloy siya, ayon sa ulat na iniulat ng “Associated Press”: “Ang barko ay pina-pilotahan ng isang Turkish captain at may kasama nitong mga multinational crew ng Russian, Vietnamese, Bulgarian, Indian, Georgian at Filipino citizens.”

Idinagdag din niya sa pahayag, na ang barko ay nagdadala ng isang buong karga ng phosphoric acid.

Isa ding komersyal na barko, na pag-aari ng isang negosyanteng Israeli ang inatake sa Indian Ocean noong Biyernes ng pinaghihinalaang drone na gawa daw ito ng Iran, ayon sa sinabi ng isang opisyal ng militar ng US noong Sabado.

Ang mga ulat na ito ay dumating mga isang linggo matapos ipinahayag ng mga rebeldeng Houthi Ansar'Allah mula sa Yemen, na nasamsam nila ang isang barko sa Red Sea.

Ang detensyon ng barko ay dumating sa loob ng balangkas ng banta ng mga rebeldeng malapit sa Iran na madalas ito nagbibigay  na target ang mga barko ng Israel sa isang bagong pagtaas ng kanilang mga pag-atake laban sa estado ng Hebrew bilang tugon sa digmaan nito laban sa Hamas.

............................

328