Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Martes

28 Nobyembre 2023

5:42:55 AM
1415482

Ang kasunduan sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza ay umabot na sa huling araw

Ang kasunduan sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza ay umabot na sa huling araw

Sinabi ng tagapagsalita ng Estados Unidos sa Nasyonal Seguridad Kounsel, si John Kirby, na ang mga Zionista at grupo ng Hamas ay "nagkasundo na ipagpatuloy ang tigil-putukan at pakikipaglaban upang palayain ang mas maraming bihag at payagan muna ang mas dumami ang tulong na makapasok" sa loob ng Gaza Strip sa sandaling ito.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) -: Balitang ABNA :- Nakatanggap ang Zionistang entidad ng listahan ng mga pangalan ng mga bihag na hawak ng Kilusang Islamikong Resistance (Hamas), na inaasahang ilalabas kahapon, Lunes, sa loob ng ikaapat at huling yugto ng kasunduan sa palitan ng mga bihag ng magka-bilang panig, habang iniulat naman ito ng Zionistang Radio, na naghihintay ang Tel Aviv ng tugon ng Kilusan, tungkol sa pagpapalawig ng tigil-putukan na magtatapos kahapon, ngunit dahil sa malawak at ipinalawig ng mga intermediators mula sa Qatar, Ehipto at Estados Unidos, kung saan nagkaroon naman ito ng paglawig sa susunod pang dalawang araw na panibagong dagdag pa nasabing kasunduan ng tigil-putukan at palitan ng mga bihag at bilanggo ng dalawang magkabilang-panig.

Ang tagapagsalita ng Estados Unidos sa Nasyonal Seguridad na Kounsel, na si John Kirby ay nagsabi, na ang mga Zionista ay "nagkasundo para ipagpatuloy ang tigil-putukan at sa pakikipaglaban upang palayain ang mas marami pang bihag at payagan ang mga ito mas marami pang tulong na makapasok" sa loob ng Gaza Strip mula sa Ehipto.

Sa mga pahayag naman sa telebisyon, ipinahayag ni Kirby ang kanyang pag-asa lamang, na ang Islamikong Resistance Movement (Hamas) ay sumang-ayon na rin para palawigin pa ang tigil-putukan, na kung saan nagtatapos naman ito kahapon, Lunes, na may layuning upang palayain ang ilan pang mga detenido at mga bihag mula sa kamay ng dalawang panig, sa Israel at sa Gaza.

Binanggit din niya ito, na personal daw lumahok si Pangulong Joe Biden sa hostage exchange deal, at sinabi niya, na ang Estados Unidos ay naniniwala na ang bilang ng mga mamamayan nito na natitira sa mga nakakulong sa Gaza ay "nasa hanay ng 7 hanggang 10 bihag pa."

Binigyang-diin naman ni Kirby, na hindi alam ng kanyang bansa ang tunay na bilang ng mga hostage sa Gaza, at sinabi niya, na ang mga pagtatantya ay nagpapahiwatig na mayroon pang 200 mga bihag o higit pa nito. Ipinaliwanag niya, na "Hindi kinokontrol ng Hamas ang lahat ng mga bihag nito, ngunit may iba pang mga grupo ng Hamas, na humahawak ng ilan sa kanila. ," at sinabi niya, na "ang responsibilidad para sa pagsubaybay sa mga bihag na ito ay nakasalalay sa pagkabalisa ng mga taga-pamamamagitan".

Ngayon, ang Kalihim-Heneral ng NATO  na si Jens Stoltenberg ay nanawagan din para sa pagpapalawig ng humanitarian truce sa Gaza Strip.

Sinabi din ng tagapagsalita ng gobyerno ng Israel, na hindi bababa sa 1,200 Israelis ang namatay at higit sa 9,000 ang nasugatan, at alam ng Hamas na bukas kami sa pagpapalawig ng tigil-putukan, at gusto naming palayain ang 50 pang mga Israeli bihag sa kamay ng mga Hamas. Idinagdag pa niya, na ipinaalam din namin ito sa kani-kanilang mga pamilya na may 392 mga sundalong Israeli na napatay mula noong Oktubre 7.

Mayroon ding 184 na dinukot ng mga Hamas, kabilang na dito ang 80 Israelis na may dalawahang mamamayan iba sa kanila.

...........

328