Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Martes

5 Disyembre 2023

5:42:46 AM
1417510

Imam Khamenei: Dapat bumuo ng isang pandaigdigang alyansa laban sa mga pagsalakay ng US at Kanluran

Imam Khamenei: Dapat bumuo ng isang pandaigdigang alyansa laban sa mga pagsalakay ng US at Kanluran

Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, si Imam Seyyud Ali Khamenei ay tumanggap sa Pangulo ng Cuba, si Miguel Díaz-Canel, at ang kanyang mga kasamang delegasyon noong Lunes, Disyembre 4, 2023.

Ayon sa Ahensya ng Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) -: Balitang ABNA :- Pinuno ng Islamikong Rebolusyon, tinanggap ni Imam Khamenei ang Pangulo ng Cuba, si Miguel Díaz-Canel, at ang kanyang mga kasamang delegasyon noong Lunes, Disyembre 4, 2023.


Sa panahon ng pag-pupulong, tinukoy ni Imam Khamenei aangilaing mga kakayahan sa pulitika at eekonomiyaang Iran at Cuba, na may salungguhit na "Ang mga kapasidad na ito ay dapat gamitin upang bumuo ng isang alyansa at isang koalisyon sa pagitan ng mga bansang may parehong paninindigan laban sa mapilit na pag-uugali ng US at mga Kanluraning bansa."

Idinagdag pa ng Pinuno ng Islamikong  Rebolusyon, na "Sa pamamagitan ng pagtuon sa kooperasyong pang-ekonomiya, ang koalisyon na ito ay maaaring magkaroon ng isang karaniwan at epektibong posisyon sa mahahalagang pandaigdigang isyu tulad ng isyu ng Palestinian."

Tungkol sa Palestine, ipinaliwanag ni Imam Khamenei, na ang isyu ng Palestine ay hindi lamang nauugnay sa kamakailang mga kaganapan at mga pambobomba sa Gaza, "ngunit ito ay na sa naknakalippa ng 75 taon, ang mga Palestino ay palaging napapailalim sa lahat ng uri ng pagpapahirap, pagdurusa at patayan. Ngunit ngayon ang trahedya sa Gaza ay napakalaki na ang katotohanan ay nalalantad na sa pandaigdigang opinyon ng mga publiko at imposible pang maitago ito."

Sinabi din ni Imam Khamenei, na ang posisyon ng Cuban president sa mga pandaigdigang isyu, lalo na ang isyu ng Palestine, ay naaayon sa pananaw ng IIslamikong Republika sa pagtukoy sa kooperasyon ng Iran at Cuba sa mga internasyonal na forum, idinagdag pa niya na, "Ang ugnayan ng dalawang bansa ay dapat na higit pang palakasin sa iba't ibang larangan, kabilang na dito ang larangan sa kooperasyong siyentipiko. Isinasaalang-alang namin ang administrasyon ni Seyyid Raisi ay isang masipag na pamahalaan, ako ay umaasa na ang mga kasunduan ay uunlad at maabot ang yugto ng pagpapatupad at pagkilos.”

Sa pagpupulong na ito, naisip din ng Pinuno ng Islamikong  Rebolusyon, na ang huling pakikipagpulong niya 22 taon na ang nakalilipas kay Fidel Castro, ang yumaong pinuno ng Cuba, bago ang tagumpay ng Islamikong  Rebolusyon at ito ay dahil sa kanyang katapatan sa kanyang mga rebolusyonaryong posisyon," ipinaggunita niya.

Binigyang-diin din ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon, na ang "rebolusyonaryong katapatan", "rebolusyonaryong katatagan" at "rebolusyonaryong kaseryosohan" ay ang mga karaniwang katangian na ang Rebolusyon ng Cuban at Rebolusyong Islamiko ng Iran.

Sa pagpupulong na ito, na dinaluhan din ng Pangulo ng Iran, si Ebrahim Raisi, ipinahayag ni G. Miguel Díaz-Canel ang kanyang kasiyahan sa pakikipagpulong niya sa Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ngbIran. Ang pangulo ng Cuban sinalungguhitan din niya, na ang mga salita ni Imam Khamenei ay naaayon sa mga alalahanin at posisyon ng gobyerno ng Cuban, at idinagdag pa niya, na "Ang mga relasyon sa pagitan ng Iran at Cuba ay nasa tamang landas pagkatapos ng tagumpay ng Islamikong Rebolusyon, at sa aming mga pag-uusap sa Tehran, kami ay tumutok lahat ng pagsisikap upang mas lalo pang palalimin ang mga ugnayang ito.

Binigyang-diin din ng pangulo ng Cuban, na maaaring magkatugma ang dalawang bansa sa iba't ibang larangan, lalo na sa pagharap sa mga interventional measures at sanction ng Estados Unidos at mga kaalyado nito. "Maaari ring dagdagan ng Iran at Cuba ang kanilang relasyon sa internasyonal na kooperasyon at maging mas maimpluwensya pa sa mga ibang mahahalagang pandaigdigang usapin tulad ng isyu ng Palestine," dagdag niya.

Tungkol naman sa mga kaganapan sa Gaza at sa isyu ng Palestine, sinabi ni Díaz-Canel na, "Ang nangyayari sa Gaza ngayon ay isang hindi katanggap-tanggap na genocide, at ang mga internasyonal na organisasyon ay pumikit sa pagpatay sa libu-libong Gazans, dalawang-katlo, kung saan ay mga bata at mga babae ang karamihan. At ang nakakagulat ay ang mga patuloy na nagrereklamo tungkol sa digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia at ang pagpatay sa mga sibilyan ay tahimik na ngayon, bagamat tungkol sa pagpatay sa libu-libong mga Gazans. Ang ipinapakita nito ay ang kahila-hilakbot na kalagayan ng ating mundo."

...................

328