Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Miyerkules

6 Disyembre 2023

5:58:40 AM
1417763

Naniniwala kami ang dugo ng mga Palestinong kababaihan at mga bata sa Gaza ay magwawakas ang Zionistabg entidad

Naniniwala kami ang dugo ng mga Palestinong kababaihan at mga bata sa Gaza ay magwawakas ang Zionistabg entidad

Ang Pangulo ng Republika ng Iran ay dumalo sa Islamikong Shura Council (ang Iraniang Parlyamento) ngayong araw, Martes, upang ipakita ang draft na badyet para sa susunod na taon ng Iran.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) -: ABNA :- Ikinumpirma ng Pangulo ng Iran, na si Seyyid Ebrahim Raisi,  na ang mga mamamayang Iranian ay naniniwala ang dugo ng mga Palestinong kababaihan at mga bata sa Gaza ay magwawakas sa Zionistang entidad.

Ang Pangulo ng Republika ay dumalo sa Islamikong Shura Council (ang Iraniang Parlyamento) ngayong araw, Martes, upang ipakita ang draft na badyet para sa susunod na taon ng Islamikong Republika ng Iran.

Sinabi ni Raisi sa kanyang talumpati sa Parlyamento: "Sa panahon ng pagpapatupad ng batas sa badyet para sa kasalukuyang taon, sinubukan ng gobyerno, sa pakikipagtulungan sa Parlyamento, na ipatupad ang batas, na nagta-target sa paglago ng ekonomiya, paglago ng mg produksyon, at pag-unlad ng mga kasanayan, at tumagal ito ng isang malaking hakbang tungo sa paglago ng mga ekonomiya at pag-unlad sa bansa.”

Idinagdag pa niya: "Ang mga dakilang mamamayan ng Iran ay humadlang mula sa parte maraming mga pakana at tukso ng mga kaaway, at kasabay nito, ang gobyerno at lahat ng mga institusyon ay nakagawa ng isa pang hakbang tungo sa paglago ng mga ekonomiya upang mailapit ang bansa sa tuktok ng pag-uunlad at masaganang pamumuhay."

Sa isa pang bahagi ng kanyang mga pahayag, tinukoy din ng Pangulo ng Republika ang mga pag-unlad sa sitwasyon sa sinasakop na mga teritoryo ng mga inaaping Palestino, at sinabi niya: “Dapat kong banggitin sa inyo kung ano ang pumukaw sa panghihinayang ng bansang Islam at ng buong sangkatauhan, na siyang kawalan ng katarungan kung saan nalantad ang malalakas na mamamayang Palestino.”

Ipinagpatuloy niya: "Ang pagkamartir ng 6,500 mga bata at mga kababaihan ang pagbuhos ng dugo ng mga ordinaryong mamamayan ng mga Palestino at kasama na ang mga kalalalakihang mandirigma, Mujahideen at mga lumalaban sa Palestine, ay kapus-palad, at ang genocide na ito ay kapus-palad para sa sangkatauhan sa kasaysayan ng isang bansa sa mundong ito katulad ng mga Palestino at Palestine. Ang mas masahol pa dito ay ang mga tagasuporta ng genocide na ito ay ang mga mga humihingi ng karapatang pantao."

Binigyang-diin ni Raisi: “Ang pinakanakapanghihinayang pa dito ay ang mga internasyonal na organisasyon at institusyon na responsable sa pagtatanggol sa inaaping Palestino ay nawalan ng kakayahan sa harap ng hegemonic na rehimen at Amerika... Ang lahat ng ito ay nakalulungkot para sa sangkatauhan; ngunit hindi tayo nabigo, ” idinagdag niya: "Naniniwala kami na ang mga bansa ay tumayo ngayon at sumigaw para sa karapatang pantao at pagpapatupad ng mga karapatang pantao." Katarungan at isang bagong kaayusan sa mundo."

Sinabi ng pangulo ng Iran: "Naniniwala din kami na ang pagiging martir ng mga kababaihan at mga bata ng Palestino ay magwawakas sa huwad na nilalang Zionistang mananakop, at kung ipag-kalooban ng Diyos, malapit na nating masaksihan ang tagumpay ng mga inaaping Palestino.".

......................

328