Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Miyerkules

13 Disyembre 2023

10:51:08 AM
1419843

Umabot na sa 18,412 ang mga martir habang nasa 50,100 naman ang bilang ng mga nasugatan sa Gaza

Umabot na sa 18,412 ang mga martir habang nasa 50,100 naman ang bilang ng mga nasugatan sa Gaza

Ayon sa pinakabagong mga numerong bilang mula sa Health Ministeryo, hindi bababa sa 18,412 katao ang mga napatay at 50,100 naman ang mga nasugatan sa mga pag-atake ng Israel laban sa Gaza mula noong Oktubre 7.

Ayon sa Ahensyang Pandaigdigang Balita ng AhlulBayt (AS) -: Balitang ABNA :- Sa pinakahuling numerong bilang ng mga na-martir mula sa Health Ministry, hindi bababa sa 18,412 katao ang napatay at 50,100 namn ang mga nasugatan sa mga pag-atake ng Israel labn sa Gaza mula noong Oktubre 7.

Sa nasakop na West Bank, may 275 ang mga namatay habng may 3,365 naman ang mga nasugatan.

Ngunit ang mga panibagong bilang ng mga namatay sa mga teritoryong sinakop ng mga Israel ay nasa 1,147.

Dalawampu sa 105 na mga sundalong Israeli na napatay sa Gaza Strip sa panahon ng opensiba sa lupa ay napatay sa pamamagitan ng friendly fire at sa mga aksidente sa pamamaril, ayon sa bagong data na inilabas ng mga hukbong Israel at iniulat ng lokal na media.

Habang labintatlo sa kanila naman ang napatay sa pamamagitan ng friendly fire – kabilang ang air strike, tank fire, at putukan.

Ang ilan ay napatay din sa aksidenteng mga misfire o sa pamamagitan ng mga shrapnel mula sa mga pampasabog na sadyang itinaboy ng mga puwersa ng Israel.

Idinagdag pa ng kanilang ,media ng Israel, na may ilan ding mga sundalo ang napatay matapos mapagkakamalang mga mandirigmang Hamas.

Sinalakay din ng mga puwersa ng Israel ang Kamal Adwan Hospital sa hilagang Gaza, na nagpapataas ng pangamba para sa buhay ng mga medik at mga pasyente sa sentrong medikal.

Noong Sabado, Oktubre 7, 2023, ang Palestinian resistance forces ay naglunsad ng isang sorpresang operasyon na tinatawag na Bagyong Operasyon ng Al-Aqsa laban sa mga posisyon ng Israeli, upang gantihan ang Israeli regime ay isinara ang lahat ng mga tawiran ng Gaza strip at binobomba ang mga nabanggit na lugar na ito.

Isang espesyal na sesyon ng UN General Assembly ang gaganapin sa Martes. Ito ay matapos ang Egypt at Mauritania ay humiling ng resolusyon 377, "Pagkakaisa para sa Kapayapaan".

Nagbabala din ang mga pwersa ng UN sa Lebanon tungkol sa isang "mas malawak na salungatan" habang pinapataas naman ng Israel at Hezbollah ang mga pagsalakay sa himpapawid at pag-atake ng drone.

.......................

328