Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Miyerkules

13 Disyembre 2023

12:20:39 PM
1419890

Idiniin ni FM Amir Abdollahiyan, ang Saudi FMs ang pangangailangan para sa agarang tigil-putukan sa Gaza

Idiniin ni FM Amir Abdollahiyan, ang Saudi FMs ang pangangailangan para sa agarang tigil-putukan sa Gaza

Idiniin ni FM Hossein Amir-Abdollahian at ng kanyang katapat na Saudi, na si Faisal bin Farhan ang pangangailangan para sa agarang tigil-putukan sa Gaza at pagpapadala ng mga humanitarian aid sa ikinubkob na Gaza.

Ayon sa Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) -: Balitang ABNA :- Idiniin ni FM Hossein Amir-Abdollahian at ng kanyang katapat na Saudi na si Faisal bin Farhan ang pangangailangan para sa agarang tigil-putukan sa Gaza at pagpapadala ng humanitarian aid sa nabanggit na lugar.

Si Hossein Amir-Abdollahian at ang kanyang Saudi counterpart na si Faisal bin Farhan ay tinalakay din nila  ang bilateral na relasyon sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia at ang pinakabagong mga pag-unlad sa Gaza sa isang pulong sa Geneva noong Miyerkules.

Sa pagtukoy sa magandang kamakailang pagpupulong sa pagitan ng pangulo ng Iran at ng koronang prinsipe ng Saudi Arabia, pinasalamatan din ni Amir-Abdollahian ang Saudi Arabia sa pagho-host ng pulong ng mga pinuno ng Islam at Arab sa Riyadh upang talakayin ang importanteng isyu sa Palestine.

Itinuring ng nangungunang diplomat ng Iran ang Iran at Saudi Arabia bilang dalawang napakahalaga at maimpluwensyang bansa sa rehiyon at nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa pag-unlad ng mga relasyong pampulitika, na binibigyang-diin ang pangangailangan ng pagbuo ng relasyon sa ekonomiya at kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa pagtukoy sa unti-unting pagsulong ng relasyon, idinagdag din niya na handa ang Iran para mas lalo pang palakasin ang relasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang mga larangan.

Tinukoy din ni Amir-Abdollahian ang mga pag-unlad sa Palestine at ang pagpapatuloy ng mga krimen sa digmaan at genocide ng rehimeng Zionista laban sa mga Palestino sa Gaza at West Bank, at idiniin din ang pangangailangan para sa magkasanib na pagsisikap sa pagitan ng dalawang bansa gayundin ng mga bansang Islamiko at rehiyon, na magsagawa ng matinding panggigipit sa rehimeng Zionista at sa gubyernong US na agad na itigil ang agresyon at payagan ang pagpapadala ng agarang makataong tulong sa mamamayang Palestino.

Si Faisal bin Farhan, sa kanyang bahagi, ay nagpahayag din ng kanyang kasiyahan sa pagpupulong at binigyang-diin niys, na ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay nasa tamang direksyon, na nagsasabing, "Kami ay nasasaksihan ang isang positibong kalakaran sa bilateral na relasyon at tinatanggap namin ang pag-unlad ng mga relasyon sa pagitan ng dalawang bansa."

Sa pagtukoy sa pag-unlad ng relasyong pampulitika sa pagitan ng dalawang bansa, sinabi ng nangungunang diplomat ng Saudi Arabia, na "sa kabutihang palad, ang mga kontak at pag-uusap ay nagpapatuloy sa iba pang mga larangan, at ang mga ministro ng ekonomiya ay nagsimula na rin sa kanilang mga pag-uusap at pakikipag-ugnayan, at tinatanggap ng Saudi Arabia ang kalakaran na ito."

Isinaalang-alang pa niya ang pagkakaroon ng iba't ibang mga dokumento ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan bilang isang mas malakas sa bilateral na ugnayan ng dalawang bansa at sinabing "we welcome the follow-up and implementation of these documents."

Nagpahayag din ng kaligayahan ang ministro ng Saudi Arabia sa presensya ni Pangulong Raeisi ng Iran sa summit ng mga bansang Islamiko at Arabo na ginanap sa kanyang bansa at ang positibong pagpupulong sa pagitan ng Saudi Crown Prince at ng Iranian president sa Riyadh.

Tungkol naman sa digmaan ng Palestine at ng rehimeng Isralei sa Gaza Strip, sinabi niya na, "Mayroon kaming ibinahaging pananaw tungkol sa suporta para sa bansang Palestino at isang agarang tigil-putukan at ang pagpapadala ng agarang makataong tulong, at ipagpapatuloy namin ang aming mga pagsisikap hingil sa isyong ito."

....................

328