Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Lunes

18 Disyembre 2023

11:49:15 AM
1421166

Isa na namang Palestinang journalist ang napatay kanina sa Nuseirat refugee camp

Isa na namang Palestinang journalist ang napatay kanina sa Nuseirat refugee camp

Inihayag mula sa Opisina ng Impormasyon ng Palestinong Awtoridad sa Gaza, na may isa na namang Palestinang mamamahayag, si Hanin al-Qatshan ay napaslang kanina sa panahon ng pambobomba ng mga Zionista sa Nuseirat refugee camp, na matatagpuan sa gitnang Gaza.

Ayon sa Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) -: Balitang ABNA :- Inihayag mula sa Opisina ng Impormasyon ng Palestinong Awtoridad sa Gaza, na may isa na namang Palestinang mamamahayag, si Hanin al-Qatshan ay napaslang kanina sa panahon ng pambobomba ng mga Zionista sa Nuseirat refugee camp, na matatagpuan sa gitnang Gaza.

Inihayag ng Opisina ng Impormasyon ng Palestinian Authority sa Gaza na ang Palestinian na mamamahayag na si Hanin al-Qatshan ay napatay sa panahon ng pambobomba sa Nuseirat refugee camp na matatagpuan sa gitnang Gaza.


Idinagdag pa ng tanggapan ng impormasyon ng Palestinong Awtoridad sa Gaza, ang bilang ng mga na-martir ng media ay umabot na sa 95 katao mula noong simula ng pagsalakay ng rehimeng Israel sa Gaza strip.

At may isa pang balita ay umabot na daw ng 90 katao ang napatay sa air attack ng Israeli regime sa Jabalia area, na kung ito ay matatagpuan sa bandang hilaga ng Gaza.

Tinarget din ng artilerya ng rehimeng Israeli ang children's ward ng Nasser hospital complex, na matatagpuan sa Khan Yunis, sa katimugan ng Gaza, na kung saan humantong sa pagkamatay ng isang babae at pagkasugat ng ilan pang ibang mga sibilyan.

Ang mga air strike ng rehimeng Israeli sa iba't ibang lugar ng Gaza, sa hilaga at timog ng strip ay nagpapatuloy at dose-dosenang mga tao ang namatay at nasugatan.

Sa kabilang banda, ang Palestinong Ministro ng Kalusugan, sa Ramallah ay nag-anunsyo sa mga istatistika na mula nang Oktubre 7 hanggang Disyembre 15, nasa 18,800 na ang mga Palestino ang pinatay ng rehimeng Israeli, nasa 70% sa kanila ay mga kababaihan at mga bata.

Ang mga grupo ng mandiarima ng Palestino ay nagsimula ng isang sorpresang operasyon na tinatawag na "Bagyong Operasyn ng Al-Aqsa" mula sa Gaza (sa bandang timog ng Palestine) laban sa mga posisyon ng sumasakop na rehimeng Quds noong Oktubre 7, 2023, at ang rehimen, upang makaganti at mabayaran ang pagkatalo nito at upang ihinto ang mga operasyon ng mga grupo ng mandirigma, isinara ang lahat ng mga tawiran poatungo sa Gaza. Hinubaran at binomba ang mga lugar.

......................

328