Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Biyernes

22 Disyembre 2023

3:47:39 PM
1422445

Umabot na sa 20,057 ang bilang ng mga nasawing mga Palestino sa Gaza

Inihayag ng Ministri ng Kalusugan ng Gaza, na umabot na sa 20,057 ang bilang ng mga na-martir mula sa nga pambobomba ng rehimeng Zionista sa digmaan ng Israel sa napakaraming populasyon laban sa mga mamamayang Palestino sa Gaza.

Ayon sa Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) -: Balitang ABNA :- Inihayag ng Ministri ng Kalusugan ng Gaza, na umabot na sa 20,057 ang bilang ng mga na-martir mula sa pambobomba ng rehimeng Zionista sa digmaan ng Israel laban sa napakaraming populasyon ng mga mamamayang Palestino sa Gaza.

Mula noong Oktubre 7, na ang simula ng digmaan ng rehimeng Israeli sa Gaza, may 53,320 katao ang mga nasugatan sa mga pag-atake ng rehimengZionista, iniiulat ng Ahensyang Balita ng Shehab ngayong araw na Biyernes.

Sinabi rin ng pahayag, sa mga nakalipas na 24 na oras, may 390 mga Palestino ang namartir at may 734 pa ang mga nasugatan, idinagdag pa niya, na ang Internet at koneksyon ay malubhang nagambala.

Sinabi rin ng Ministri ng Kalusugan ng Gaza, na may 70% na ang mga martir ay mga kababaihan at mga bata at idinagdag pa niya, na may 310 mga medikal na tauhan, may 35 pang mga pwersang depensa sibil, habang may 97 naman ang mga mamamahayag, at may 136 pa, na tauhan ng United Nations Relief and Works Agency (UNRWA) ang mga kabilang sa Israeli pag-atake laban sa Gaza Strip.

Inihayag din nito na 90% ng populasyon sa Gaza, na humigit-kumulang 1.9 milyong katao naman ang nga lumikas mula sa lugar ng kaguluhan.

...............

328