Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Linggo

31 Disyembre 2023

1:42:03 PM
1425382

Isang milyong mga Malaysiano ang inaasahang sasali at dumalo sa pinaka-malaking Pro-Palestine rali

Isang milyong mga tao ang inaasahang sasali at dumalo sa isang inaasahang pinaka-malaking rali sa Malaysian para magpakita ng suporta para sa Palestine sa gitna ng pagsalakay ng mga rehimeng Israel sa Gaza.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng AhlulBayt (AS) -: Balitang ABNA :- Isang milyong tao ang inaasahang sasali at dumalio sa isang malaking rali sa Malaysian para ipakita ang buong suporta nito sa Palestine kahit nasa gitna pa nang pagsalakay ng mga rehimeng Israeli sa mga Palestinong mamayan sa Gaza.

Tinatayang isang milyong mga Malaysiano ang target na lumahok sa isang pinaka-malawakang rali bilang kilos ng pakikiisa sa mga mamamayang Palestino, na nakatakdang magaganap ito sa Kuala Lumpur mismo sa Peb 24 sa susunod na taon.

Sinabi ni Malaysian Islamic Organizations Consultative Council (Mapim) president, na si Mohd Azmi Abdul Hamid, na ang mga programa, na kilala bilang “Perhimpunan Sejuta Rakyat Untuk Palestin” (ang mga 'Milyon-mmilyon mamamayang pro-Palestinong Rali para sa mgas inaaping Palestino sa Gaza'), ay kung saan ay naglalayong ipahayag ang buong suporta nito para sa pakikibaka ng mamamayang Palestino at tumawag para sa agarang pagtigil ng digmaan laban sa Gaza, iniulat ng Bernama noong Sabado.

Bilang coordinator ng kapulungan din, layunin din aniya nilang makasama sa rali ang 1,000 non-government organizations (NGOs).

Dagdag pa ni Mohd Azmi, kasalukuyan, na silang nasa planning stages hinggil sa venue para sa large-scale rally, na balakin dumaan sa harap ng Embahada ng Estados Unidos ang umapela sila ng kooperasyon mula sa mga awtoridad upang matiyak na maisasagawa ito nang ligtas at maayos at matihimik.

"Ang nasabing rali na ito ay magpapadala ng isang malakas na mensahe mula sa mga tao ng Malaysia sa United Nations (UN) upang agarang makialam at pigilan ang Israel sa pagpapatuloy ng mga kalupitan nito laban sa Gaza," aniya sa isang press conference dito ngayon.

Samantala, sinabi din ni dating Member ng Parliamento para sa Batu, Tian Chua, na nagsisilbi ring tagapagsalita para sa Palestinong Solidaridad na Secretariat (SSP), na ang solidarity picket para sa Palestine malapit sa US Embahada ng Estados Unidos ay itinuturing na matagumpay sa pagsasagawa ng pressure at aabot ito sa rurok nito bukas ng gabi.

"Sisimulan namin ang countdown ng Bagong Taon simula ng 9 ng gabi bukas, na nagta-target ng1,000 mga kalahok na magpatuloy sa pagpapakita ng aming pagkakaisa at matatag na paninindigan laban sa isyu ng aming mga Palestino," aniya.

.............................

328