Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Martes

2 Enero 2024

8:51:02 AM
1425973

Apurahang: Isinasagawa ng mga pwersang Yemeni ang unang direktang operasyong pag-atake laban sa isang "bapor na pandigma ng Amerika" sa Red Sea

Noong Martes, ang Yemeni Hukbong Lakas ay nagsagawa ng unang direktang pag-atakeng operasyon laban sa isang "Amerikanong barkong pandigma" sa baybayin isinasakop ng Yemen sa Karagatang ng Red Sea.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) -: Balitang ABNA  :- Ang opisyal na tagapagsalita ng Yemeni Hukbong Lakas, na si Brigadier General Yahya Saree, ay nag-anunsyo, na ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Yemeni ay nagsagawa ng unang direktang opensibong operasyon laban sa isang Amerikanong Barko ng Pandigma sa baybayibg karagatan ng Red Sea.
Ang Direktor ng Departamento ng Paggabay, si Brigadier General "Sari'e", ay sumulat at nagpost sa kanyang blog sa "X" plataporma, na ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Yemeni ay nagsagawa ng unang direktang pag-atakeng operasyon laban sa isang "Amerikanong battleship" sa baybaying karagatan ng Yemeni,  sa Red dagat.
Idinagdag pa niya, na ang operasyong militar na ito ay naging tugon sa pag-target ng mga pwersang Yemeni noong nakaraang araw (Linggo).

Itinuro din ni Heneral Sarie, na may malaking pinsala sa barkong pandigma ng hukbong-dagat ng Amerika na ginamit ng mga armadong pwersa ng Yemen.
Idinagdag pa niya, na mayroong higit pang mga operasyong militar laban sa mga sasakyang pandagat ng mga Amerika na naroroon ngayon sa Red Sea, at tinapos niya ang kanyang talumpati. Nagpahiwatig din siya ng isang mahalagang pahayag na ilalabas ng hukbong sandatahan ng Yemen hinggil dito.
Sinipi naman ng Channel ng Emirati Sky News Arabia, ang mga pinagmumulan ng militar ng Yemen na nagsasabi, na ang Yemeni Armed Forces ay naglunsad ng dalawang ballistic missiles na nagta-target sa isang American battleship malapit sa Hanish Island sa bandang Red Sea, nang hindi nagdulot ng anumang pinsala sa battleship, ayon sa channel.
Ang parehong channel ay nag-ulat, na binanggit ang mga mapagkukunan, na kinumpirma nila na ang mga bangka na kabilang sa mga Yemeni naval forces ay nagpaputok ng mga bala mula sa malayong distansya sa battleship nang hindi ito tinatamaan. Itinanggi din ng mga ipinagkukunan, na may anumang armadong sagupaan ang naganap sa pagitan ng dalawang partido.

..........................

328