Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Martes

2 Enero 2024

12:34:08 PM
1426029

Sinabi ng isang Britanong doktor: Ang mga doktor sa Gaza, sila ang mga tunay na bayani

Inilarawan ng isang British na doktor, na ang mga Palestinong doktor at mga nag-tratrabaho sa Pangka-lusuigan Gaza, sila ang bilang ng mga tunay na bayani.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (Sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Inilarawan ng isang Britanong doktor, na mga Palestinong doktor at manggagawang pangkalusugan sa Gaza bilang mga tunay na bayani.

Si Dr. Basil Badir, isang orthopedic specialista mula sa team IDEALS, na kaanib sa Islamic Aid charity organization mula sa UK, ay nagsabi na ang mga medikal na koponan sa Gaza Strip ay pagod na, na nakikipag-ugnayan sa mga malalaking bilang ng mga pasyente.

"Ang mga medikal na kawani dumating mula (sa European Gaza Hospital sa lungsod ng Khan Younis) ay pagod na pagod, at ang emergency departmento ay palaging tumatanggap ng mga pasyente na may mahirap at kumplikadong mga kaso," sinabi niya.

Idiniin din ni Badir, na dumating sa lungsod ng Khan Younis sa timog ng Gaza Strip noong Disyembre 25 kasama ang apat na iba pang mga doktor, na ang mga health team sa Gaza ay pagod na, lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga emergency departmentong ospital.

Sinabi niya, na ang papel ng mga British medical team ay "subukang maibsan ang pagdurusa ng kanilang mga kasamahan na nagtatrabaho sa medikal na larangan sa Gaza, kahit na sa maliit na paraan lamang."

Inilarawan niya ang kalagayan ng mga doktor sa Gaza Strip bilang "mga tunay na bayani," binanggit pa ni Badir, na ang mga pasyente ay inilipat mula sa hilagang Gaza Strip patungo sa katimugang bahagi nito dahil sa hindi kumpletong paggamot ay nahaharap sa mahihirap na komplikasyon sa kalusugan.

“Bago isinara ang mga ospital sa hilaga ng Gaza, maraming mga pasyente na nakatanggap ng bahagyang mga paggamot ay puwersahang ipinadala sa katimugang bahagi. Ang mga indibidwal na ito ay kung saan nakakaranas ng mga  malubhang problema sa kalusugan dahil sa hindi kumpleto at tuloy ang  mga paggamot, "dagdag niya.

Binibigyang-diin din niya, na ang mapaghamong sitwasyon sa kalusugan sa European Gaza Hospital, kung saan mayroong hindi bababa sa 900 mga pasyente at mga nasugatan na mga tao, sinabi ni Badir na ang bilang na ito ay dalawang beses sa normal na kapasidad sa mga regular na oras.

Sinabi pa niya, na ang kanyang kasamang pangkat ng kalusugan ay pana-panahon lamang para bumibisita sa Gaza Strip sa loob ng humigit-kumulang 13 taon, humigit-kumulang walong taon na hanggang siyam na beses sa isang taon, na nakatuon sa mga lugar ng mga operasyon.

Noong nakaraang Linggo, inilarawan ng Director-General ng World Health Organization, Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang pagkasira ng sistemang kalusugan sa Gaza Strip, bilang isang "trahedya" sa X.

Ang namatay na Palestino mula sa patuloy na pag-atake ng hukbong Israeli sa Gaza mula noong Oktubre 7 ay malapit umabot sa sa 22,000, habang may mahigit pa ng 56,000 nasugatan.

Ang mabangis na pagsalakay ng rehimeng Israeli ay nagdulot ng pagkawasak sa Gaza, kung saan 60% ng imprastraktura ng enclave ang nasira o nawasak at halos 2 milyong residente ang lumikas sa gitna ng matinding kakulangan ng pagkain, malinis na tubig at mga gamot sa Gaza.

............................

328