Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Martes

23 Enero 2024

8:28:19 AM
1431690

Mga Zionistang entidad ay naghaharap ng panukala laban sa Hamas na kinabibilangan ng dalawang buwang pagtigil ng digmaan at pagpapalaya sa mga detenido

Isang Amerikanong website na Axios ay nag-ulat, na ang panukalang iniharap ng mga sumasakop na estado laban sa Hamas sa pamamagitan ng Qatari at Ehipto mediators ay kinabibilangan ng dalawang buwang pagtigil ng digmaan kung saan ang lahat ng mga detenidong Israeli sa kamay ng mga mandirigmang Hamas sa Gaza ay palalayain.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Iniulat ng Israeli at Amerikanong media, na ang Israel ay nagharap ng isang panukala sa Islamikong Resistance Movement (Hamas) upang tapusin ang isang kasunduan sa pagpapalaya ng mga detenido sa Gaza kapalit ng isang pansamantalang pagtigil ng digmaan sa Gaza Strip, sa gitna ng maingat na optimismo ng mga Israeli.
Iniulat din ng Israeli Channel 13 - kahapon ng gabi, Lunes - na natapos na ng Tel Aviv ang pagbabalangkas ng mga prinsipyo ng isang kasunduan na binubuo ng 3 hanggang 4 na yugto, na kinabibilangan ng pagbabago ng deployment ng kanilang mga hukbong pananakop labam sa Gaza Strip at pag-alis mula sa ilang mga lugar nang hindi tinatapos ang digmaan .
Sinipi ng nasabing Amerikanong website, na Axios, ang dalawang opisyal ng Israel na nagsasabi, na ang panukalang iniharap ng mga mananakop na estado ng Zionista sa Hamas sa pamamagitan ng Qatari at Ehiptong mediators ay kinabibilangan ng dalawang buwang pagtigil ng digmaan kung saan ang lahat ng mga detenidong Israeli sa kamay ng mga mandirigma sa loob ng Gaza Strip ay palalayain.
Ayon sa mga opisyal ng Israel, mayroong higit sa 130 detenido pa rin hawak ng mga mandirigmang Hamas sa Gaza, sa kasalukuyan at marami sa mga detenido ay maaaring napatay noong Oktubre 7 o sa mga sumunod na linggo dahil sa mga matitinding sagupaan ng digmaan sa pagitan ng dalawang panig.
Sinabi ni Axios, na si Brett McGurk, tagapayo ni Pangulong Joe Biden, ay nagtungo sa Ehipto at sa kalaunan ay lumiplpat naman ito sa Qatar upang magsagawa ng mga negosasyon upang matiyak ang pagpapalaya sa mga Israeling bihag mula sa kamay ng mga mandirigmang Palestino, na kung saan pinigil ito ng mga mandirigmang Al-Qassam Brigades, Hamas.
Idinagdag pa ng website, na ang mga tagapamagitan, katulad ng Qatari at Ehipto ay nagsisikap nang ilang linggo na ang nakararaan upang kunbensihin ang mga grupo ng paglaban para ipatupad ang tulay at ang agwat sa pagitan ng dalawang partido upang makamit ang pag-unlad sa pagtatapos ng isang mahabang kasunduan.
Sinabi ng mga opisyal ng Amerika sa Axios, na ang pag-abot sa naturang kasunduan ay maaaring ang tanging paraan upang matigil ang digmaan sa Gaza.
Ayon sa nabanggit na website, sinabi ng mga opisyal ng Israel, na naghihintay sila ng tugon ng Hamas, ngunit binigyang-diin naman nito na maging maingat silang nakaramdam ng pag-asa sa pagkamit ng pag-unlad sa mga darating na araw.

Mga yugto ng nasabing kasunduan na niulat ng Channel 13, na kasama na sa nabanggit na kasunduan ang unang yugto, ang pagpapalaya ng Hamas opisyal at sa mga natitirang mga kababaihan at matatandang lalaki nito, bagama't hindi malinaw kung ilalabas ba sila nang sabay-sabay o hindi.
Sinabi naman ng channel 13, na sa ikalawang yugto, ang mga nakababatang detainees at mga menor de edad na mga Palestino kabataan ay isa na sa mga nakapaloob sa nasabing matibay na kasunduan at palalayain, habang ang ikatlong yugto naman ng usapan ay kinabibilangan ng pagpapalaya sa mga sundalo at kinatawan ng mga Zionista na hawak ng mga mandirigmang Hamas hanggang sa kasalukuyan.
Binanggit sin ni Axios website, na ang mga opisyal ng Israel na nagsasabi, na ito ay kasama sa matibay na kasunduan ang muling pag-deploy ng mga pwersang Israeli mula sa mga pangunahing lugar ng mga tinirahan ng mga Palestino, at ang unti-unting pagbabalik ng mga Palestino lokal at mamamayang Palestinong sibilyan sa kani-kanilang mga lugar at tahan kung saan sila inilipat at naglipat mula sa hilagang Gaza Strip.
Kinumpirma din ito ng mga opisyal ng Israel, na ang kasunduan ay nagpapatunay na ang Tel Aviv ay hindi sasang-ayon na wakasan ang digmaan at hindi sasang-ayon na palayain ang lahat ng mga bilanggo ng mga Palestino gaya ng hinihingi ng mga mandirigmang paglaban ng mga Palestino.
Ayon sa mga opisyal ng Israel, ang mga operasyon ng militar ay bababa sa bilang at intensidad pagkatapos ng dalawang buwan, kung ang Hamas ay sumang-ayon sa kasunduan.
Isang grupo ng mga pamilya ng mga bilanggo ng Israeli na nakakulong sa Gaza ang sumalakay sa isang pulong ng Komite sa Pananalapi sa Knesset sa Jerusalem kahapon, na hinihiling nila na ang mga kinatawan ay gumawa ng higit pang pagsisikap na subukang palayain ang kanilang mga kamag-anak.
Noong Oktubre 7, 2023, pinakawalan ng Hamas ang " Bagyong Operasyon ng Al-Aqsa," pagkatapos nito ay naglunsad ang Zionistang entidad ng isang mapangwasak na digmaan laban sa Gaza na, simula kahapon, ay nag-iwan ng 25,295 mga Palestinong martir at nasa 63,000 pa ang mga nasugatan, karamihan sa kanila ay mga bata at babae, ayon sa mga awtoridad ng Palestino.
Sa isang pansamantalang humanitarian truce na tumagal ng 7 araw at natapos noong unang bahagi ng Disyembre, pinakawalan ng Hamas ang 105 sibilyan na pinigil nito, kabilang ang 81 pang mga Israelis, 23 Thai citizen, at isang Filipino, kapalit ng pagpapalaya sa 240 mga Palestino bihag mula sa mga kulungan ng sumasakop sa estado (71 babaeng bilanggo at 169 na mga bata).
Tinatantya din ng mga sumasakop na estado na may humigit-kumulang 136 pang mga Israelis na nakakulong pa rin sa Gaza Strip, ayon sa magkatulad na mga ulat sa media at mga pahayag ng mga opisyal ng Israel.
............................

328