Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Miyerkules

24 Enero 2024

10:20:06 AM
1432020

Inilusob ng mga Hezbollah ang airbase ng Israel sa mga lupaing sinakop nito sa hilagang bahagi

Sinabi ng kilusang Lebanese Hezbollah Resistance, noong Martes, na naglunsad ng "malaking bilang" ng mga missile sa base ng Bundok ng Meron sa hilagang mga lupain nito.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng AhlulBayt (Sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sinabi noong Martes ng kilusang Lebanese Hezbollah Resistance, na naglunsad sila ng isang "malaking bilang" ng mga missiles laban sa base ng Bundok ng Meron sa hilagang sinasakop na mga lupain nito ng Zionistang mananakop.

Sinabi din ng kilusang Hezbollah noong Martes, na muli nitong pinuntirya nila ang isang sensitibong base ng kontrol sa trapiko ng panghimpaspawid ng militar ng Israel sa hilagang mga lupain na gamit ang mga rocket at drones.

Sinabi ng kilusan, na ang mga pag-atake ay bilang tugon sa "mga kamakailang pagpaslang at paulit-ulit na pag-atake sa mga lokal na sibilyan" laban sa Lebanon at Syria at ganoon din sa Gaza.

Sinabi pa nito, na naglunsad din ito ng "malaking bilang" ng mga missile sa base ng Mount Meron, sa pangalawang pag-atake nito nitong mga nakaraang linggo. Walang agarang komento mula sa mga Zionistong rehimen ng militar ng Israel.

Inamin ng mga militar ng Israel, na sa unang pag-atake nito sa nabanggit na base ng BUndok ng Meron ng Hezbollah ay nagkaroon ng malaking pinsala sa nasabing site.

..................................

328