Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Miyerkules

31 Enero 2024

11:21:05 AM
1433992

Nagbabala ang Hamas laban sa 'bagong masaker' matapos salakayin ng mga pwersang Israeli ang ospital sa Khan Younes

Ang kilusang paglaban ng Palestinong Hamas ay nagbabala laban sa isang "bagong masaker" na ginagawa ng militar ng rehimeng Zionista matapos ang paglusob nito sa isang ospital sa Khan Younes.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Nagbabala ang Kilusang Palestinong Mnadirigma ng Hamas laban sa isang “bagong masaker” na ginagawa ng militar ng rehimeng Zionista pagkatapos nitong pumasok sa isang ospital sa Khan Younis.

Sa isang pahayag noong Martes, sinabi ng Hamas, na ang pagsalakay ay bumubuo ng isang "krimen sa digmaan" na nagdaragdag sa mahabang serye ng mga masaker at mga paglabag na ginawa ng rehimen mula noong simula ng digmaan ng genocide nito laban sa mga Palestino sa kinubkob na Gaza Strip.

"Nagbabala kami tungkol sa isang bagong masaker na ginawa ng kriminal na hukbo ng pananakop ng Zionista matapos itong pumasok sa looban ng gusali ng Palestinong Red Crescent Society at Al-Amal Ospital, sa Khan Younis, sa gitna ng matinding putukan sa mga naroroon sa ospital, kabilang ang mga medikal na kawani, sugatan, at mga taong lumikas,” sinabi ng kilusang paglaban.

"Hindi lamang ito nagpapakita ng paghamak sa internasyonal na komunidad, United Nations, at mga internasyonal na batas, kundi pati na rin sa mga desisyon ng International Court of Justice, na kung saan humihiling ng pagtigil sa genocide na ginagawa ng mga Zionistang manananakop laban sa Gaza."

Sinabi pa ng Hamas, na ang hakbang ay nangangailangan ng matatag na paninindigan upang pigilan ng mga "Zionistang kaaway" mula sa pagpapatuloy ng mga kasuklam-suklam na krimen at kalupitan laban sa mga bata at walang armas na sibilyan.

Nilusob din ng mga pwersang Israeli ang Al-Amal Ospital noong Martes, sinusubukang pilitin ang libu-libong lumikas na mga tao na sumilong doon na lumikas.

Nangyari ito matapos pagbabarilin ng isang unit ng undercover na Israeli special forces ang tatlong mga kabataang Palestino sa loob ng isang ospital sa hilagang West Bank.

Hindi bababa sa 26,751 katao, kabilang na dito ang higit sa 10,000 mga bata, ang napatay sa Gaza, sa genocidal war ginawa ng mga rehimeng Israel lasban sa mga kinubkob na teritoryo mula noong Oktubre 7, hanggang sa kasalukuyan.

............................

328