Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Sabado

3 Pebrero 2024

12:11:35 PM
1434771

Sheikh Naim Qassem: Sinusuportahan ng Iran ang panrehiyong paglaban nang hindi umaasa sa anumang kapalit

Ang Deputy Kalihim Heneral ng Kilusang Lebanese Hezbollah resistance ay pinuri niya ang suporta ng Iran para sa mga Islamikong resistance movements sa rehiyon nang hindi umaasa sa anumang kapalit nito.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -:Balitang ABNA :- Ang representante na pangkalahatang kalihim ng kilusang paglaban sa Lebanese Hezbollah ay pinuri niya ang suporta ng Iran para sa mga kilusang mandirigmang paglaban ng Islam sa rehiyon nang hindi umaasa ng anumang kapalit nito.

Sa pagtugon sa isang seremonya na ginanap sa Hazrat Ruqayyah (sa), sa banal na dambana sa Syria upang gunitain si Heneral Seyed Razi Mousavi, isang tagapayo ng militar ng Iran, na martir ng rehimeng Zionista, sinabi ni Sheikh Naim Qassem, na ang Iran ay isang malayang bansa at isang tagasuporta ng mga mandirigmang paglaban.

Idinagdag pa niya, na ang Iran ay nagpaabot ng kamay ng pakikipagkaibigan sa mga rehiyonal na bansa at sa mga rehiyonal na kilusang lumalaban sa kalayaan upang harapin ang mga sistemang hegemonika at wakasan ang kanil;ang gawaing pananakop.

Binigyang-diin din ni Sheikh Qassem, na habang sinusuportahan ng Iran ang Hezbollah, ang mga grupo ng paglaban ng Palestino at iba pang mga kilusang paglaban sa rehiyon, hindi ito nakikialam sa mga panloob na gawain ng mga rehiyonal na bansa.

Tinukoy din ng kleriko ang Al-Aqsa Flood Operation, na inilunsad ng Hamas laban sa Israeli noong Oktubre 7 at ang kasunod na digmaan ng Israeli laban sa Gaza Strip, na binibigyang-diin niya, na nabigo ang mga rehimeng Zionista,  na walang nakamit kahit isa ang mga layunin nito sa malupit na pagsalakay nito laban sa Palestinong nasasakop.

Ikinalulungkot niya ang katotohanang pinupuna ng ilan ang Hezbollah sa pagsuporta sa Gaza, na sinasabing dapat gawin ito ng lahat ng mga bansang Muslim at Arabo.

"Tinatanong namin sila: Bakit hindi sinusuportahan ang Gaza? Bakit hindi ka nakatayo sa tabi nila (mga tao sa Gaza)? Bakit kayo pagkatapos ng normalisasyon ng ugnayan sa Israel? Tinatanong kayo namin kung bakit hindi ninyo sinusuportahan ang Palestine. Karapatan natin at karapatan ng Palestine, Al-Aqsa Mosque at dignidad ng bawat Muslim sa buong mundo (ang suportahan ang Palestine).”

Idinagdag pa niya, "Paniniwala namin, na ang mga mandirigmang paglaban at bansa ng Palestino ay magtatagumpay sa kasalukuyang giyera."

.............................

328