Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Sabado

3 Pebrero 2024

12:28:33 PM
1434772

Ang mga pwersang pananakop ng Israel ay patuloy gumagawa ng krimen ng genocide laban sa mga mamamayang Palestino sa Gaza Strip, sa loob ng ika-120 na magkakasunod na araw, sa pamamagitan ng paglulunsad ng dose-dosenang mga airstrike, artillery bombardment, at incendiary belt, habang gumagawa ng madugong patayan laban sa mga sibilyan at nagsasagawa ng mga nakakatakot na krimen laban sa mga lugar ng pagsalakay, sa gitna ng isang sakuna na di' makataong sitwasyon.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng AhlulBayt (Sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Patuloy na ginagawa ng mga pwersang pananakop ng Israel ang krimen ng genocide laban sa Gaza Strip,  sa loob ng ika-120 na magkakasunod na araw, sa pamamagitan ng paglulunsad ng dose-dosenang airstrike, artillery bombardment, at incendiary belt, habang gumagawa pa ito ng madugong patayan laban sa mga sibilyan at nagsasagawa din ito ng mga nakakatakot na krimen laban sa mga lugar ng pagsalakay, sa gitna ng isang sakuna na di' makataong sitwasyon na nagreresulta mula sa pagkubkob at ang pag-alis ng mahigit sa 90% na mga populasyon nito.

Iniulat din ng aming mga koresponden, na ang Israeli aircraft at artilery ay nagpatuloy sa kanilang matinding airstrike at paghahampas sa iba't ibang lugar laban sa mga mamamayang Palestino, sa Gaza Strip noong Sabado, na may pagtutok sa Khan Yunis, na tinatarget ang mga tahanan at pagtitipon ng mga lumikas na mga lokal na sinilyang tao sa mga lansangan, na nagresulta sa daan-daang mga martir at iba pa ang mga nasugatan. .

Isa ding mamamayan ang napatay ng mga isnayper ng Israel sa kapitbahayan ng Nasr, sa lungsod ng Gaza.

Sinabi ng Palestino Red Crescent, "Mahigit pa ng 110 oras na ang lumipas at ang kapalaran ng aming pangkat na lumabas upang iligtas ang batang Hind sa lungsod ng Gaza ay hindi pa rin alam."

Giniba din ng mga hukbong pananakop ng Israel ang isang residential square sa gitna ng Khan Yunis.

Tumaas na rin ang bilang ng mga martir dahil sa pambobomba ng mga eroplanong pandigma ng Israel sa tatlong bahay sa Rafah at sa Deir al-Balah, sa timog at sa gitnang Gaza Strip, hasbang nag-iiwan naman ito ng 18 mga lokal na mamamayang martir na Palestino.

Dalawang martir din ang nahulog sa pambobomba sa bahay ng pamilya Humsa, sa kapitbahayan ng Jneina, sa silangan ng lungsod.

Isa ding mamamayan ang namatay at tatlo ang nasugatan sa pambobomba ng mga Israeli warplanes sa bahay ng isang pamilya sa Abu Nasir sa Al-Tarzi Street, sa lungsod ng Deir al-Balah, sa gitnang Gaza Strip.

Sumiklab ang mga sagupaan nito sa mga sumasalakay na pwersa ng pananakop sa kanluran ng lungsod ng Gaza.

Labindalawa pang na-martir at may 17 pa ang bilang ng mga nasugatan sa pambobomba ng Israel laban sa isang bahay ng isang pamilya Hajazi, sa silangan ng lungsod ng Rafah, sa katimugang Gaza Strip.

Binomba din ng mga Israeli warplanes ang isa pang bagong bahay sa Jneina neighborhood, sa silangan ng Rafah at binomba din ang isang bahay sa lungsod ng Deir al-Balah, sa gitnang Gaza Strip.

.....................

328