Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Sabado

27 Abril 2024

8:05:34 AM
1454391

Ayatollah Khatami: Makakatanggap ng mas matinding suntok ang mga Zionista kung sakali sila ay muling magkamali

Sinabi ng Khatib ng pansamantalang panalangin sa Biyernes sa Tehran, ang kanyang Biyernes na panalangin sermon kahapon: "Ang mga Zionist ay makakatanggap ng mas matinding suntok at hamon kung sakali uulitin nila muli ang kanilang pagkakamali."

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sinabi ni Ayatollah Sayyed Ahmad Khatami, ang pansamantalang mangangaral ng panalangin sa Biyernes sa Tehran kahapon: Ang ginawa ng Islamikong Iran laban sa mga nang-aagaw na nilalang Zionista ay isang banal na gawain ng depensa. Ito ay isang bagay na ginawa batay sa Qur'an.

Idinagdag niya: Ang pag-atake na ito ay isang parusang pag-lusob at isang maluwalhating Operasyon Tunay na Pangako, na kung saan bahagi nito ay bumalik sa nakaraan. Tinamaan natin ang bahaging nakatali sa nakaraan at tinamaan ito ng malakas. Ang pangyayaring ito ay isang pangyayari para sa susunod na henerasyon, kung anuman ang magyari sa susunod na henerasyon ay isang malaking hindi inaasahang mangyari, kung uulitin nila ulit ang kanilang pagkakamali, ay makakatanggap sila ng mas matitindi pa kay sa nakaraan.

Inilarawan ni Ayatollah Khatami, na ang sandatahang lakas ay isang matibay na kuta ng bansa at hindi papayagang salakayin ng mha kaaway ang bansa.

Itinuring ni Ayatollah Khatami ang isyu ng seguridad bilang pundasyon at batayan para sa lahat ng mga pag-unlad at sinabi niya: Ang unang tampok na binanggit sa Qur’an para sa isang huwarang lipunan ay seguridad at lahat ng Sandatahang Lakas ay nararapat na igalang. Ang Ministri ng Depensa, ang Sandatahang Lakas, ang mga Rebolusyonaryong Guwardiya, at ang mga Mobilization Forces ay may mga katangiang inirerekomenda ng Pinuno ng mga Nanampalataya.

Binanggit ni Ayatollah Khatami, na nasaksihan natin ang mga malupit na krimen ng mga Zionista at ang kapangyarihan ng front ng paglaban sa digmaan laban sa Gaza, at sinabing: Isang grupo ng mga akademya sa Amerika, sa iilang mga unibersidad sa California at sa France, ay nag-aklas upang suportahan ang mga inaaping Palestinob saGaza, at ang estado na maling nagpapakita ng sarili bilang isang tagasuporta ng karapatang pantao, inaresto ang mahigit 100 mga estudyanteng Unibersidad sa mga demonstrador na ito ang idinampot. 

Sinabi ng isang kilalang propesor ng internasyonal na relasyon sa Harvard University, na dapat tanggapin ng Amerika, na ang henerasyong Amerikano ay isang henerasyong ganap na nagbago. Nangangahulugan ito na pagkatapos ng humigit-kumulang 200 araw ng paglaban sa mga taoong walang kalaban-laban sa Gaza, isang paggising ng budhi ang naganap sa mundo.
....................
328