Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Huwebes

2 Mayo 2024

11:25:17 AM
1455690

Larawan/Ang bilang ng mga detenido sa mga pro-Palestine, para nag-protesta sa mga unibersidad sa US ay tumaas sa 1700

Ang bilang ng mga detenido sa panahon ng mga protesta sa mga unibersidad sa buong US ay tumaas sa 1700, iniulat ng Washington Post.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang bilang ng mga detenido sa panahon ng mga protesta sa mga unibersidad sa buong US ay tumaas sa 1700, base sa ulat na iniulat ng Washington Post.

Ang mga komprontasyon sa pagitan ng mga maka-Palestino na demonstrador at pulisya ay nagpapatuloy sa mga unibersidad sa buong Estados Unidos, isang araw pagkatapos salakayin ng mga pulisya ng New York ang Unibersidad ng Columbia, na sinakop ng mga nagpoprotesta, at inaresto ang humigit-kumulang nasa 300 mga estudyante, sa Columbia at City College lamang ng New York.

Inaresto din ng mga pulisya ang 15 pang nagpoprotesta sa Unibersidad ng Fordham at 34 naman sa Unibersidad ng Wisconsin-Madison, kabilang na dito ang mga miyembro ng faculty at staff.

Ayon sa mga ulat, karamihan sa mga detenido mula sa Unibersidad ng Wisconsin-Madison ay pinalaya nang walang mga kaso, ngunit apat na tao ang pinigilan sa mga kaso mula sa paglaban sa pag-aresto hanggang sa pag-atake sa isang pulis, ayon sa isang pahayag mula sa UW-Madison police. .

Kinumpirma naman ito ng departamento ng pulisya ng Hanover, New Hampshire noong Miyerkules, na ang mga opisyal ng pagpapatupad ng batas ay nagsagawa ng mga pag-aresto sa Dartmouth College, nang hindi opisyal na inanunsyo ang bilang ng mga detenido.

Inilikas pa ng mga pulis sa Unibersidad ng Texas, sa Dallas ang isang kampo na itinayo noong Miyerkules ng umaga at kinasuhan ang 17 nagpoprotesta ng criminal trespass.

Sinabi ng New York University, na tinatasa nito ang pinsala sa mga gusali at campus grounds, kung saan inaresto naman ng mga opisyal ng New York Police Department ang hindi bababa sa 173, na nagprotesta noong Martes ng gabi.

Sinabi naman ng isang opisyal ng Departamento ng Pulisya ng New York, na ilang opisyal ng pulisya ng lungsod ang pumunta sa isang on-campus encampment sa Unibersida ng Fordham noong Miyerkules ng hapon at inaresto ang mga pro-Palestino na nagpoprotesta para sinuman ang tumangging umalis mula sa nasabing campus.

............................

328