Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang ika-15 na pagpupulong ng OIC ay nagsimula noong Sabado sa Banjul, sa kabisera ng Gambia, na may partikular na pagtuon sa pagkakaisa ng mga Muslim at ang sitwasyon sa Gaza.
Inihayag ng OIC sa isang pre-summit statement, na ang mga pinuno ng daigdig mula sa 57 miyembrong bansa nito at higit pa ay dumalo.
Sinabi pa ng OIC, na ang layunin ng summit na ito ay para patatagin ang pagkakaisa “sa sama-samang pagtugon sa matitinding hamon na kinakaharap ng Ummah (Islamikong Nasyon) at pagpapalawak ng kooperasyon at pagkakaisa sa mga miyembrong bansa sa pagtugis ng ating mga ibinahaging layunin gaya ng nakasaad sa charter.
Nilalayon din ng summit, upang "palawakin ang ating domestikong ekonomiya at pasiglahin ang mga maliliit at katamtamang negosyo," habang "sinasamantala din ang pagkakataong ibahagi ang yaman ng kultura ng Gambian at Aprika sa ibang mundo."
Ang summit, na magpapatuloy hanggang Linggo, ay nakasentro sa temang “pagpapalawak ng kooperasyon at pagkakaisa sa mga miyembrong bansa sa pagtugis ng ating mga ibinahaging layunin sa pag-uunlad ng mga ekonomiya.”
Tatalakayin nito ang mga pandaigdigang isyu, partikular ang kasalukuyang sitwasyon sa Palestine at ang patuloy na pagsalakay ng Israel laban sa Gaza Strip, na nagresulta sa mahigit 34,000 mga martir.
Tatlong mahahalagang dokumento - isang draft na resolusyon ng Palestino, draft na pahayag ng Banjul, at ang draft na huling dokumento - ay ihaharap sa Konseho ng mga Foreign Minister para sa talakayan, at pagkatapos ay sa summit diskusyon.
..................
328