Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : iqnanews
Lunes

21 Oktubre 2019

10:01:28 AM
983830

Iba’t-ibang Programa sa Qurán Iginanap para sa mga Manlalakbay ng Arbaeen

Ang mga sentro ng Dar-ol-Qurán sa mga banal na dambana ng Karbala at Najaf, ang Mga Pangkat ng Pagpapakilos ng Bayan (Hashd al-Shaabi), at ang Sentro ng Pagmememorya, Pagtula at Pagpapakahulugan ng Nur al-Zahara (SA), ay ilan sa mga organisasyon at sentro na nagdaos ng mga programa.

Ayon sa ABNA News Agency, Nagpadala rin ang Iran ng isang kumbuyan ng Qurán, kilala bilang Noor Convoy, na binubuo ng mga grupo ng mga pangunahing taga-tula ng Qurán at Tawasheeh (relihiyosong pag-awit), sa Iraq para sa panahon ng Arbaeen.

  Ayon sa Punong-Konsul ng Iran sa Karbala na si Mir Masoud Hosseinian, kabilang sa mga programa ay ang mga pulong sa pagtula ng Qurán, Khatm Qurán (ang pagbasa ng buong Banal na Aklat), at mga paligsahan sa Qurán.
 
 Binanggit rin niya na ang Punong Konsulado ng Iran ay nakipagtulungan rin sa pagdaos ng mga programa para sa Qurán.

  Ang Arbaeen ay ang ika-40 na araw matapos ang Ashura, ang anibersaryo ng pagkamartir sa ikatlong Imam ng Shia, Imam Hussein (AS).

  Bawat taon, isang malaking umpukan ng mga Shia, kasama ang maraming mga taga-Iran, ang nagtitipon-tipon sa lungsod ng Karbala sa Iraq, kung saan matatagpuan ang banal na dambana ni Imam Hussein (AS), upang magsagawa ng mga ritwal ng pagdadalamhati.
  Ang Arbaeen ay pumatak sa Sabado, Oktubre 19, ngayong taon.

.........
340