Ang teksto ng Shiah na pinagmulan ng pagtulad Ang mensahe ni Kataas-taasang Ayatollah Nasser Makarem Shirazi, sa mga kabataang dumalo sa mag araw ng Itikaf ngyaong taong 1445 AH ay ang mga sumusunod:
Sa ngalan ng Diyos, Lubos na Maawain at Lubos na Mahabagin
Ang panalangin ay isa sa mga pinakamahusay na paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga bawat sangkatauhan at ng Makapangyarihang Diyos, at ang gawaing I'tikaf ay isa sa pinaka kumpletong gawain ng pagsamba para sa paglapit sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat at paglilinis ng isang ispiritwal na kaluluwa.
Ang panahon ng I'tikaf ay isa sa ang pinakamagandang pagkakataon at ang lugar nito ay ang pinakamagandang lugar at ang pag-aayuno dito, ay ang pinakamataas na kalagayan ng pagsamba. Ang pagdanas ng isang kapaligiran na malayo sa ingay at mga abala ng mga materyal na mundo at pagtalikod sa mga kasiyahan at pagbibigay pansin sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat at pagkatapos ay pagkamit ng Kanyang kapatawaran at kasiyahan ay isang mahalagang tagumpay ng isang mananampalataya kasama sa Itikaf.
Binabati ko rin ang lahat ng mga kalalakihan at kababaihan na dumalo sa Itikaf, lalo na ang aking mga minamahal na kabataan, sa banal na tagumpay na ito at pinapayuhan ko silang sulitin ang pagkakataong ito at mag-ingat na ang kapabayaan at katamaran sa ganitong kapaligiran ay hindi nagiging sanhi ng pagkawala ng mga pagkakataong ito.
Kinakailangan din para sa mga organizer na subukang gamitin ang ginintuang pagkakataong ito upang i-host ang mga banal na panauhin sa pinakamahusay na posibleng paraan na may makabuluhan at kapaki-pakinabang sa mga programa.
Hinihiling ko sa Diyos ang kalusugan at kagalingan ng mga peregrino at ang mga sagot sa kanilang mga panalangin at ang katuparan ng kanilang mga pangangailangan, at ipinapahayag ko ang aking pagpapahalaga at pasasalamat sa lahat ng mga responsable sa pag-aayos ng espirituwal na seremonyang ito at umaasa ako na ako at ang lahat ng mga nakaligtas ng mapalad para seremonyang ito ay isasama sa mga panalangin ng mga kalahok sa I'tikaf.
Qom- Nasser Makarem Shirazi
......................
328