Ang pahayagan sa wikang Hebrew ng Israeli, na Maariv ay nag-ulat din noong Biyernes na ang Jakarta ay nagsampa ng aksyon laban sa rehimen sa ICJ sa "The Hague", habang nagpapatuloy ang brutal na pambobomba ng rehimeng Zionista laban sa kinubkob na mg ailang lugar sa Gaza.
Ang mga ulat ay nagsabi kanina, na ang Jakarta ay humiling sa isang pangkat ng mga eksperto para tumulong sa pagbalangkas ng isang kaso gusto nila ihain sa ICJ upang panagutin ng Israel para sa "mga patakaran at kasanayan" nito sa sinasakop na mga teritoryo ng mga Palestino.
Sinabi ng Ministrong Panlabas ng Indonesia, na si Retno Marsudi na kailangan ng ekspertong payo upang lumikha ng isang detalyadong legal na opinyon upang ipakita sa mundo ang mga paglabag ng Israel sa internasyonal na batas.
Inihayag din ng Indonesia at Slovenia noong nakaraang linggo, na nagpasya silang "aktibong lumahok" sa mosyon para sa isang advisory opinion dahil sa genocidal war ng Israel laban sa Gaza Strip.
Ang ICJ ay nakatakdang magsagawa ng mga pampublikong pagdinig sa Pebrero 19, kung kailan ipapakita ni Marsudi at iba pang mga partido ang kanilang mga pananaw sa mga legal na kahihinatnan ng pananakop ng Israel labn sa mga teritoryo ng mga Palestino.
"Sinusuportahan din ng Indonesia ang mga pagsisikap ng UN General Assembly na makakuha ng advisory opinion mula sa International Court of Justice," sinabi ni Marsudi.
Noong Disyembre 2022, bumoto ang UN General Assembly upang hilingin para mag-isyu ang ICJ ng advisory opinion kung nilabag ba ng patakarang Israeli laban sa mga teritoryo ang internasyonal na batas.
Sinabi ng eksperto sa batas ng Indonesia, na si Hikmahanto Juwana, na ang desisyon ng korte sa kasong ito ay payo lamang para panig ng Indonesia .
Ang hakbang ng Jakarta para dalhin ang Israel sa korte ng UN ay dumating matapos isagawa ng ICJ ang unang pagdinig nito sa kaso laban sa nagpapatuloy na genocidal war ng Israel laban sa Gaza Strip noong unang bahagi ng buwang ito. Ang kaso ay inihain ng South Africa sa tribunal noong huling bahagi ng Disyembre.
Ang Indonesia naman ay hindi sumali sa kaso ng South Africa dahil hindi ito partido sa Genocide Convention. Sinabi ni Dayuhang Ministro Marsudi, na sinusuportahan ng Jakarta ang mga pagsisikap ng South Africa na iulat sa korte ng UN ang mga paglabag ng rehimeng Israel laban sa Genocide Convention.
Ang desisyon ng korte sa kahilingan ng South Africa para sa mga pansamantalang hakbang ay "maaaring asahan sa mangyari sa Pebrero, kung hindi magbago angh desisyon," iniulat din ng Ahensyang Balita ng Turkish, na Anadodu, binanggit ang abogadong Italyano na si Tiersisto Mariniello hingil sa isyu maghain ng kaso ang Jakarta laban sa rehimeng Zionista.
...........................
328