2 Hulyo 2025 - 10:41
Ang mensahe ng pagbati ng isang Ehiptong skolar sa Islamikang Republika ng Iran kasunod ng tagumpay nito laban sa mga kaaway na Israeli at Amerika

Itinuring ng isang Ehiptong miyembro ng Heneral Asembleya sa Pandaigdigang Asembleya ng Ahl al-Bayt (AS), ang paglaban ng bansang Iran, mga mandirigma, at mga martir na pinagmumulan ng pagmamalaki para sa Islamikong Ummah.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyanag Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumaknila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sa kasunod ng kamakailang mga pag-unlad at ang tagumpay ng Islamikang Republika ng Iran laban sa pagsalakay ng Zionista-Amerikano, isang grupo ng mga kilalang tao sa mundo ng Islam ang naglabas ng mga pahayag para pinupuri ang paglaban ng bansang Iranian at ipinahayag ang kanilang pakikiisa sa Islamikang Axis ng Resistance.

Kaugnay nito, si Sayyid al-Taher al-Hashimi, isang Egyptian thinker at miyembro ng General Assembly ng Ahl al-Bayt (AS) World Assembly, ay naglabas ng isang mensahe, na pinarangalan ang tagumpay ng Iran at ang pagkamartir ng ilang grupo ng mga kumander, pwersang militar, at mga tao, at binigyang-diin ang papel ng dugo ng mga martir sa pagkamit ng Islamikong tagumpay at dignidad ng Ummah.

Ang teksto ng mensaheng ito ay mababasa sa mga sumusunod:

Sa ngalan ng Allah, ang Pinakamaawain, at Pinakamahabagin

Salamat at papuri kay Allah, na dumudurog sa mga mapang-api at siyang katulong ng mga mananampalataya.

Ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa pinakamahusay sa mga propeta at mensahero at sa kanyang mga dalisay at sa mga walang bangid-duhis na mga pamilya.

Pinahahalagahan namin ang paglaban sa Islamikang Republika ng Iran laban sa pagsalakay at digmaan ng Zionistang-Amerikano, at binabati kayo namin sa mapagpasyang tagumpay na ito laban sa mga kaaway ng relihiyon at ng Ummah. Iginagalang din namin ang pagkamartir ng ilang grupo ng mga kumander, pwersang militar, at mga lumalaban na mga Irniang tao.

Walang pag-aalinlangan, ang mga sakripisyong ginawa ng mga tao ng Islamikang Republika ng Iran ay nagbigay daan para sa tagumpay at pagmamalaki ng mga Muslim at mananampalataya; at ang paglaban na ito ay pinagmumulan ng pagmamalaki at karangalan para sa lahat.

Bawat bala, at bawat martir na nagbuhos ng dugo sa landas ng katotohanan, ay isang karangalan para sa ating lahat; sapagkat ang dugo ng mga martir ay bumubuhos sa kamay ng Makapangrihang Diyos at nagdidilig sa lupa ng katotohanan at tagumpay.

Hinihiling namin sa Poong Maykapal na ipagpatuloy ang inyong tagumpay, pagmamalaki at karangalan para sa Islamikang Ummah.

Sumainyo nawa ang kapayapaan, ang awa ng Diyos at ang Kanyang mga pagpapala

Sayyid Al-Taher Al-Hashimi

Arabong Republika ng Egypt

..............

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha