22 Hunyo 2017 - 21:35
Nakatakas na sa Marawi ang mahigit sa 100 teroristang Maute-ISIS

Nasa mahigit kumulang sa 100 miyembro ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nakatakas na sa battle zone matapos na magpanggap na mga sibil¬yang evacuees kaugnay ng krisis sa Marawi City na pumalo na kahapon sa 30 araw o isang buwan.

Naiulat sa Balitag Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) -Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, Spokesman ng Joint Task Force (JTF) Marawi at 1st Infantry Division (ID) sa kasalukuyan ay nasa 100 na lamang Maute-ISIS ang target ng kanilang operasyon sa lungsod.

Anya, nakatanggap sila ng impormasyon na nagawang makatakas ng mga terorista sa battle zone matapos ang mga itong humalo at magpanggap na mga evacuees gayundin sa mga na-trap na sibil¬yan na inabandona na ang kanilang mga armas.

Sa kasalukuyan, ayon kay Herrera, simula nang sumiklab ang bakbakan noong Mayo 23 ay nasa 276 ng Maute-ISIS terro-rists ang napatay at 26 ang sibilyan.

Ayon sa opisyal, 67 naman ang mga bayaning security forces na nagbuwis ng buhay habang nasa 461 ang nasugatan. Naitala naman sa 1, 658 mga sibilyan na na-hostage at na-trap sa bakbakan ang nailigtas.