Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Sabado

15 Enero 2022

11:40:54 PM
1219353

“Ummul Banin; Isang simbolo ng tunay na Banal ng Pasensya” Asawa ni Imam Ali at Ina ni Abu-l Fazl al-Abbas (sa)

“Si Ummul Banin; Isa siyang simbolo ng tunay na Banal ng Pasensya”




QOM/Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) - Ika-13 ng Jumadil at-Thani -minarkahan ang anibersaryong pagkamatay ni Hadrath Bibi Ummul Baneen (sa).

Si Fāṭimah bint Ḥuzam al-Kulābīyya [kilala rin bilang Ummul-Baneen] (as) ang asawa ni Imam Ali (as) at ina ng magiting na Abul Fadl al-Abbas ibn Ali (as). Sa malungkot na okasyon ng anibersaryo ng kanyang kamatayan, ipinaaabot namin ang aming pakikiramay kay mahal na Propeta Muhammad (saww), kay Imam az-Zaman (as), sa Ahlul-Bayt (AS) Ismat wat Tahharat at sa lahat ng mga mananampalataya sa buong daigdig.

Maikling kasaysayan ng kanyang buhay

Si Fāṭimah bint Ḥuzam al-Kulābīyya , karaniwang kilala bilang "Ummul Baneen" (Ina ng maraming anak), ay kabilang sa angkan ng Banu Kilah, na isa sa pinakamarangal na pamilya mula sa mga Hashemite at sikat sa katapangan at bantog sa kagitingan laban sa kanilang mga mandirigma.

Napangasawa niya si Imam Ali (as), pagkatapus ng pamamaalam at pagka-yumaong ng kanyang unang asawa na si Hadrath Fatimah az-Zahra (sa). Si Ummul Baneen at si Imam Ali (AS) ay nagkaroon sila ng apat na anak, kung saan ang panganay nito ay si Abul Fadl al-Abbas ibn Ali (as) [ang kumander ng pwersa ni Hadrath Imam Hussain ibn Ali (as) sa epikong labanan sa Karbala]. Ang kanyang tatlo pang anak na lalaki, sina Uthman ibn Ali, Abdullah ibn Ali, at si Jaafar ibn Ali, ay naging martir din sa labanan.

Si Bibi Fatimah bint Hazam, na kilala ding bilang Ummul Baneen (sa), ay dumating sa mundong ito sa ikalimang taon ng Hijra. Siya ay isang may kultura at mahusay na babae, na kilala sa kanyang kaluwalhatian at karangalan, kapangyarihan at maharlika. Nang maglaon, magkakaroon siya ng karangalan na maging asawa siya ni Imam Ali (as), at tinawag nila ang ina nito nina Imam Hussain (as), Imam Hassan (as), Bibi Zaynab (as) at Bibi Kulzum (as).

Sa kanyang kasal kay Imam Ali (sa), si Bibi Ummul Baneen ay nagsilang ng apat na anak na lalaki: ang marangal na Abbas (as), Abdullah (as), Imran (as) at Jaafar (as). Sila ay pinalaki sa ilalim ng direktang patnubay at pagpapala ni Imam Ali (as). Siya ay nagbigay ng inspirasyon at tinuruan ang kanyang sariling mga anak na kumilos lamang bilang mga tagapaglingkod ni Imamu al-Hussain (a).

Noong ika-10 ng Muharram 61 AH, ang araw ng pagkamartir ni Imam Hussain (as) at ng kanyang 72 tapat na kasamahan niya sa larangan ng digmaan ng Karbala nang masaksihan ni Bibi Ummu Salamah ang lupa inilagay niya sa bote, na ibinigay sa kanya ng Banal na Propeta (saww) ay naging dugo na pinalaki niya ang sigaw ng "Ya Hussain" at ipinahayag na si Imam Hussain (as) ay naging martir ayon sa propesiya niya kaagad, na kung saan inihayag niya, na ang Banal na Propeta (saww) tungkol sa pagkamartir ni Imam Hussain (as) sa lupain ng Karbala.

Napakatindi ng pagmamahal ni Bibi Ummul Baneen (sa) kay Imam Hussain (as), na nang matanggap niya ang balita ng pagkamatay ng kanyang apat na anak, sinabi niya kaagad: "Sabihin ninyo nga naman sa akin, ang tungkol kay Hussain Ibn Ali (as)?" at nang matanggap niya ang balita ng pagkamatay ni Imam Hussein (as). Si Imam Hussain mismo (as) ang nagsabi: “Lahat ng ugat sa puso ko ay sumabog. Ang lahat ng aking mga anak at lahat ng bagay na umiiral sa ilalim ng kalawakan ay kailangan isinakripisyo para sa kapakanan ni Imam Hussain (as)". Pagkatapos din ng kanyang pagkamartir, hiniling niya sa mga tao na huwag na siyang tawaging 'Ummul Baneen' (sa).

Si Ummul Banin (sa) ay nagtipon siya ng ilang mga kababaihan mula sa Medina at ipinadala niya sa kanyang bahay at lahat sila ay umiyak sa pagkamartir ni Imam Hussain (as). Kaya, ito ang kauna-unang pagkakataon na isinagawa ang isang majlis pagkatapos ng pagkamatay ni Imam Hussain (as).

Mahusay na makata, na itinuturing na unang bumibigkas ng noha (panula ng litanya) para sa pagkamartir ni Imam Hussain (as). Ang mga nohas na binigkas ni Bibi Ummul Baneen (sa) para sa pagkamartir ni Imam Hussain (as) ay bumaba sa kasaysayan at itinuturing na mga obra maestra ng Arabic na panitikan.

Matapos ang labanan sa Karbala, si Bibi Ummul Baneen (sa) ay naging napakahina dahil nanatili siya sa walang humpay na pagluluksa. Ang sakit ay kinuha nito at sa wakas sa edad na 59 ay pumanaw din siya sa mundong ito, noong ika-13 ng Jumadil athani (AH 64). Siya ay inilibing sa Jannat al-Baqi, sa gilid lamang ng banal na lungsod ng Medina.

Idinadalangin din natin, na ang mabilis na muling pagpapakita ng Inaasahan na Tagapagligtas (sa) at ang pagpapanumbalik ng kanyang libingan sa isang mausoleum.

..........................................
328