Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Miyerkules

22 Mayo 2024

5:32:07 PM
1460422

Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran: Ang pangako ng Diyos para palalayain ang Palestine mula sa "dagat" hanggang sa "ilog" ay matutupad

Binigyang-pansin ni Imam Khamenei ang mga talata ng Qur'an, na nagsasalita Siya tungkol sa dalawang banal na pangako sa ina ni Propeta Moses (sumakanya nawa ang kapayapaan), na nagsasabi: Ang unang banal na pangako tungkol sa mga tao ng Palestine ay natupad na, na siyang tagumpay ng mga tao sa Gaza, na isang maliit na grupo, at ang pangalawang banal na pangako ay maaaring matupad, iyon ay, ang pagkawala ng Zionistang nilalang.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang pinuno ng Political Bureau ng kilusang Hamas, si G. Ismail Haniyeh, at ang kanyang mga kasamang delegasyon ay nagpulong bago magtanghali kaninang Miyerkules, 05/22/ 2024, kasama ang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, na nag-aalay ng kanilang pakikiramay kay Imam Khamenei at sa buong mamamayang Iranian sa paglisan ng Pangulo ng Republika, ang Ministro ng Ugnayang Panlabas, at ng kanilang mga kasama, sa ngalan ng mga mamamayan ng Palestine at ng mga mamamayang Palestinong tao sa Gaza Strip.

Ang pinuno ng Hamas sa Political Bureau, si G. Ismail Haniyeh, at ang kanyang mga kasamang delegasyon ay nagpahayag, ngayong hapon, ng kanilang pakikiramay sa Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran at sa mga tao at pamahalaang Iran.

Si Imam Khamenei, na nagpasalamat, sa panahon ng pagpupulong na ito, ang pakikiramay ng mga tao ng Palestine at ng mga tao sa Gaza Strip, ay umaliw kay G. Haniyeh at biniyayaan siya ng pagkamartir ng kanyang mga anak, pinupuri ang pasensya ng pinuno ng political bureau ng kilusang Hamas.

Tinukoy ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, ang pambihirang mandirigmang paglaban sa Gaza Strip, na nagpagulat sa mundo, na nagsasabing: Sino nga ba ang maniniwala, na ang mga islogan na sumusuporta sa Palestine ay itataas at ang bandila ng Palestino ay itataas balang araw sa mga unibersidad sa Amerika? Sino ba ang maniniwala na ang mga martsa ay magaganap sa Japan at ang mga slogan, na "Kamatayan sa Israel" ay aawit sa lingwaheng Persian sa panahon ng mga demonstrasyon bilang suporta sa Palestine?!

Idinagdag la ng Kanyang Kamahalan: Sa hinaharap, maaaring mangyari ang mga kaganapan ito, na may kaugnayan sa isyu ng Palestine, na hindi kapani-paniwala sa ngayon.

Itinuro ni Imam Khamenei ang mga talata ng Qur'an, na nagsasalita tungkol sa dalawang banal na pangako sa ina ni Propeta Moses (sumakanya nawa ang kapayapaan), na nagsasabi: Ang unang banal na pangako ng Panginoong Diyos ay tungkol sa mga tao ng Palestine, ay kung saan natupad na ngayon, na siyang tagumpay ng mga tao sa Gaza, may isang isang maliit na grupo, isang malaki at makapangyarihang grupo ng Amerika, NATO, at Britanya at mau ilan iba pang mga bansa. Sa batayan na ito, ang pangalawang banal na pangako ay maaaring matupad, iyon ay, ang pagkawala ng Zionistang entidad, at ang araw naniyon ay darating, sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, kung kailan "Ang Palestina ay babangon mula sa dagat hanggang sa ilog, na ang bansang estado ng Palestine ay malalalya."

Idiniin pa ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, na si G. Mukhber, na ang responsable para sa mga gawaing ehekutibo alinsunod sa Konstitusyon, ay magpapatuloy sa mga patakaran ni dating Yumaong Pangulong Shaheed Seyyid Ebrahim Raeisi sumakabilang-buhay, na Pangulo ng Islamikong Republika at sa kanyang mga direksyon tungkol sa Palestine ay sa parehong diwa at parehong motibo.
...................................

328