5 Disyembre 2024 - 11:26
Dalubhasang Iranian | Ang pakikipag-panayam tungkol sa paghihiwalay ng Syria mula sa Axis ng Mandirigmang Paglaban ay nangangahulugan ang Amerika ay titigil sa pagsuporta sa Israel

Ayon sa isang dalubhasang Iranian na eksperto sa mga isyung pampulitika ay nagsabi: Ang pakikipag-usap tungkol sa posibilidad ng Syria na humiwalay mula sa Iran at ang Axis ng mga Mandirigmang Paglaban ay tulad ng pagsasabi, na ang Kanluraning bansa, tualad Estados Unidos at EU ay isang araw ay titigil sa pagsuporta sa Israel.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Syria, ay isang bansang nakasaksi ng digmaan laban sa mga ekstremista at teroristang armadong grupo at mga makataong krisis mula noong taong 2011, ay humarap kamakailan sa mga bagong tensyon sa militar, matapos ang marahas ay sumiklab ang mga komprontasyon sa pagitan ng mga puwersa ng hukbong Syrian at mga paksyon ng Syrianong armadong organisasyon ng terorista ang tumatanggap ng suporta mula sa Turkey at Kanluran, sa hilagang mga rehiyon tulad ng Idlib at Aleppo.
Tungkol sa mga pag-unlad na ito, ang "ABNA" Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) ay nagpapadala ng isang panayam na isinagawa ng "Zad Iran" na website kay Dr. Rahmat Ebrahimi, isang Iraniang Dalubhasang akademiko at eksperto sa mga isyung pampulitika, upang malaman ang mga detalye ng eksena sa loob ng arena ng bansang Syria.

Ano ang mga background ng krisis na humantong sa paglala ng tensyon sa Syria?


Mula noong simula ng krisis sa Syria at ang panghihimasok ng mga panlabas na partido, na malinaw na kinilala ni Trump sa kanyang unang kampanya sa halalan noong 2016. Ang fuse ng digmaang sibil sa Syria ay pinasiklab ng suporta ng mga dayuhang teroristang grupo ng Kanluran, sa isang pagtatangka upang kaladkarin ang gobyerno ng Syria sa pagtanggap ng kanilang labis na mga kahilingan at plano.” 

The Greater Middle East. Ang gobyerno ng Turkey ay gumanap din ng isang papel sa pagpapasigla sa krisis at pamamahala ng mga grupong terorista, habang hinahangad nitong makamit din nila ang mga ambisyon nitong "neo-Ottoman" Noong 2020, iminungkahi ng Turkey ang isang plano upang mabawasan, at ang unang sesyon ay ginanap sa Sochi sa pagitan ng Russia at Turkey, at pagkatapos ay natapos ang mga pagpupulong sa Astana, ang kabisera ng Kazakhstansa pakikilahok ng Iran, na inanyayahan para sumali sa nasabing  landas at plano na ito, ang kamakailang pagbisita ng Iranian Foreign Minister sa rehiyon ay dumating sa loob ng balangkas ng pagsubaybay sa panukalang isyu na ito.

Ano ang 2020 de-escalation agreement?
Nang matanto ng Türkiye, na hindi nito nagawang ibagsak ang gobyerno ni Assad, at nang makita ng mga mamamayang Syrian ang panghihimasok ng dayuhan at ang mga nakatagong partido sa likod ng krisis, tumigil sila sa pagsuporta sa mga dayuhang teroristang grupo. Sa kabilang banda, binanggit din ng gobyerno ng Turkey, na kung ang hukbo ng Syria ay naglunsad ng isang pag-atake sa Idlib, ang mga teroristang grupong ito ay maaaring dumaloy patungo sa Turkey, na maaaring humantong sa isang panloob na krisis dahil sa mga kondisyon na nagdudulot ng krisis sa loob ng bansa. Samakatuwid, iminungkahi ng Turkey ang isang kasunduan upang mabawasan ang tensyon, na nagtatakda, na ang mga magkasalungat na partido ay hindi mag-aaway ang Turkey sa isang tagagarantiya ng kasunduang ito sa bahagi ng mga dayuhang grupo, habang ang Russia at Iran ay mga tagagarantiya nito sa bahagi ng gobyerno ng Syria. Gayunpaman, ang kasunduan sa 2020 ay nilabag ng "mga pangkat ng takfiri" kung saan ang Turkey naman ay isang nagbibigay ng garantiya, at ang mga grupong ito sa Syria ay kilala na mayroong ding sila tinatanggap na suporta mula sa Kanluran, na tahasang kinilala ni Trump. Ang background na sumusuporta sa rehimeng Zionista sa rehiyon ay ang Kanluran din. Samakatuwid, nalaman natin na ang Kanluran ay ang pare-pareho at pangunahing elemento sa lahat ng mga kilusang terorista laban sa mga bansang Muslim at Islam.

Nakikita ninyo ba ang koneksyon sa pagitan ng pagsisimula ng tigil-putukan sa Lebanon at ng paglala ng tensyon sa Syria, at ano sa palagay ninyo ang pag-aangkin ng isang pahayagan ng Israeli, na ang Tel Aviv ang siyang nagpasigla sa paglala ng labanan sa arena ng Syria.?
Ang pahayag ng pahayagang "Zionista" sa kontekstong ito ay tila mas malapit sa pagiging isang palabas sa media kaysa sa isang realidad sa larangang kaguluhan at nagudyok ng labanan sa Gitnang Silangan.
Bagama't ang "illegitimate entity" na ito ay maaaring maging dahilan para sa mga kaganapang ito, hindi ito ang pangunahing dahilan ng mga ito, dahil ang background na sumusuporta sa parehong "Zionistang entidad" at "teroristang grupo" sa bansa ay walang pagkakaiba at sila ay parehong galaw.
Sa kabilang banda, alam ng lahat, na ang gasolina para sa sasakyang panghimpapawid ng Israel ay ibinibigay mula sa Turkey, at ang mga inosenteng bata sa Gaza ay pinapatay ni Erdogan Kung hindi inilagay ng Turkey ang mga daungan nito sa pagtatapon ng Israel, at hindi ito binigyan ng suporta, ang Israel hindi sana kayang harapin ang mga tao sa Gaza, lalong-lalo na ang mga mandirigmang Hamas at iba pang paksyon ng mga Palestinong Mujahideen.
Sa kabaligtaran, ang presensya ng Iran sa Syria ay dumating sa isang opisyal na kahilingan mula sa gobyerno ng Syria, at ang Israel ay hindi lamang isang kaaway ng Syria, ngunit isang kaaway din sila ng lahat ng sangkatauhan, lalo na ang mga Muslim, at partikular na ang Iran sa Pangkalahatan.
Ang Iran ay palaging nasa tabi at mananatili sa tabi ng gobyerno at mga tao ng Syria, at mamagitan kapag kinakailangan sa kahilingan ng gobyerno ng Syria, gaya ng nangyayari ngayon sa pamamagitan ng aktibong tungkuling pagpapayo nito, katulad ng Russia.
Tungkol naman sa Axis ng mga Paglaban, umiiral pa rin ang lumang tuntunin sa tuwing kinakailangan, ang Axis ng mga Paglaban ay mamagitan upang ipagtanggol ang mga tao sa Gaza o alinmang iba pang bansang Islamiko na sumailalim sa pagsalakay ng mga Israel.
Sinalakay ng Israel ang Lebanon sa pagtatangkang pigilan ang mga nakatuon sa Banal na Qur’an mula sa kanilang mga posisyon. Ang Lebanon at ang Axis ng mga Paglaban ay umaasa sa talata 29 sa Surat Al-Fath: "Si Muhammad ay ang Mensahero ng Diyos, at ang mga kasama niya ay malupit laban sa mga hindi naniniwala at maawain sa kanilang sarili." Ngayon, ang Israel ay ang malinaw na halimbawa ng mga infidels o Kuffar na tinutukoy sa banal na talatang ito, habang ang mga inaaping Palestino sa Gaza ay layon ng awa ng kanyang sariling mga kapatid sa isang pananampalatayang Islam. Samakatuwid, ang Israel ay hindi lamang gumagawa laban sa Qur'an, kundi laban din sa 2020 na kasunduan, na nilagdaan nito bawasan ang tensyon laban sa mgaPalestino sa Gaza Strip.
Ipinahihiwatig ng balita na ang tigil-putukan sa Lebanon ay maaaring pasimula ng tigil-putukan sa Gaza, at ang mga panloob na pag-unlad sa Israel ay nagpapakita ng kahinaan nito, at hindi nagpapahiwatig ng lakas nito.

Ipinahiwatig ng mga pinagmumulan ng Israeli sa mga pahayagan sa Hebrew, na "alam ng Israel ang oras ng pag-atake sa Aleppo, at ang pag-atake ay naganap lamang 24 na oras pagkatapos ng mga babala ni Netanyahu sa Pangulo ng Syria, na si Bashar al-Assad, nang sinabi niyang naglalaro siya ng apoy at na siya magbabayad ng halaga para sa kanyang mga alyansa sa Iran at sa mga Hezbollah.” Ano ang dahilan ng suporta ng Israel sa pagsiklab ng mga sagupaan sa Syria? Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng pagpapahayag ni Netanyahu ng "paglalaro ng apoy" sa Syria?
Hindi kataka-taka, na alam ng mga Israel ang tiyempo ng pag-atake, dahil ang parehong partido ay kumikilos patungo sa isang layunin, na pahinain ang Islamikong Resistance Front, at kung hindi sila magkasundo, bakit ang mga grupong ito ay hindi naglunsad ng anumang operasyon laban sa Israel. ? Bakit hindi sila pumunta sa Gaza para lumaban o labanan ang Israel?
Ang pag-aangkin na ito ng Israel ay tila mas malapit sa pagiging propaganda ng media na nakadirekta para sa panloob na pagkonsumo kaysa sa panlabas na katotohanan. Mula noong tagumpay ng Islamikong Rebolusyon sa Iran, ang pamahalaang Syrian ay nakatayo laban sa Israel, na siyang tanging bansang kalapit na sinakop ang Palestine na hindi kinikilala ang entidad na ito.
Ipinahihiwatig nito na ang paninindigan ng Syria sa axis ng anti-Israel ay hindi isang bagong bagay, at hindi rin bago ang mga banta ng Israel laban sa Syria.
Matagal nang nakasanayan ng mga mamamayan at pamahalaan ng Syria ang wikang ito, at wala itong epekto sa kanilang pagtanggi na makipagtulungan sa kabila ang Kanluraning bansa, mula pa noong 2011, ang Syria ay nahaharap na sila sa direktang panghihimasok ng mga dayuhang grupo ng mga terorista, pagkatapos ng tagumpay ng Islamikong Rebolusyon, isa sa mga unang bansang kinilala ang Republika ng Iran, dahil nakahanap ito ng kapareha at kaibigan na makakapagbahagi nito ng mga paniniwala at paninindigan sa harap ng mga kolonyang Kanluraning ambisyon.
Hindi malilimutan ng Syria ang suporta ng mga Hezbollah at Iran sa panahon ng mga krisis nito mula noong 2011 hanggang ngayon ay nagbigay ang mga Hezbollah ng ilang mga martir atniba pa ang mga nasugatan sa Syria, at ang suporta ng Iran ay kasinglinaw ng araw.
Ang pakikipag-usap tungkol sa posibilidad ng paghihiwalay ng Syria sa Iran at sa Axis of Resistance ay tulad ng pagsasabi na balang-araw ay titigil ang Amerika at Kanluran sa pagsuporta sa Israel, kung paanong ang suporta ng Kanluran para sa iligal na nilalang Zionista ay isang mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan at pag-iral nito, ang Ang koneksyon ng Axis of Resistance sa isa't isa ay isang mahalagang bahagi ng kakanyahan at di' basta-basta nitong matatanggal.

Inaangkin din ng Israeli TV Channel 12, na "may malapit na koordinasyon sa pagitan ng hukbo ng pananakop ng Israel at ng mga hukbong Amerikano upang maghanda sila para sa mga pag-unlad sa sitwasyon sa Syria at ang mga kahihinatnan nito ay posible ba para sa Syria o kahit na ang mga grupo ng paglaban na tumugon sa entidad na ito bilang resulta ng umuusbong na tensyon sa Syria?
Mayroong kumpletong koordinasyon sa pagitan ng Amerika at Israel sa paggawa ng mga krimen laban sa sangkatauhan, mga krimen sa digmaan, at genocide sa rehiyon ng Kanlurang Asya. Mula noong ikalawang araw ng Al-Aqsa Flood Operasyon, pinangasiwaan ng Estados Unidos ang pamamahala sa mga kaganapan, at ito ay katuwang sa lahat ng mga krimen ng mga Zionistang entidad na ito sa buong mundo. Sa madaling salita, ang walang pagtatanggol na mga tao sa Gaza ngayon ay nahaharap sa isang direktang digmaan laban sa Estados Unidos.
Ang Amerika ang pangunahing dahilan sa likod ng interbensyon ng mga dayuhang teroristang grupo sa Syria, at ngayon ay nagpapatuloy ang presensyang militar nito sa Syria at Iraq, kung saan inaagaw nito ang langis ng mga mamamayan ng parehong bansa.
Malinaw na sinabi ni Trump: "Gumastos tayo ng pitong trilyong dolyar sa rehiyon ng Kanlurang Asya, at ngayon ay dapat tayong kumita mula sa mga nasabing mga rehiyon."

May kakayahan ba ang Israeli occupation army para harapin ang gobyerno ni Assad? Upang masagot ang tanong na ito, dapat nating itanong: Nagtagumpay ba ang pananakop ng Israel laban sa mga walang pagtatanggol na residente ng Gaza pagkatapos ng isang buong taon ng paghaharap na sagupaan at labanan?
Ang sagot sa tanong na ito ay hindi. Sa Lebanon, at dahil sa kasalukuyang mga krimen at pangako ng Hezbollah sa isang dalawang buwang tigil-putukan, ang partido ay kasalukuyang tumutuon sa muling pagtatayo ng lakas nito at pagtutuonan ng pansin sa mga pagsisikap nito para may posibleng harapin muli ang mga kaaway mula sa mga lupain nito sa katimugang Lebanon ay upang palakasin ang posisyon nito sa loob at i-secure ang base nito bago ipakilala ang anumang tulong para sa iba.
Samakatuwid, ang mga Lebanese mandirigmang Hezbollah ay maaaring walang posibilidad na naroroon sa Syria sa kasalukuyang labanan doon, ngunit angvkanilang kabuuang bilang ng manilang pwersa ay naririyan pa nagtitipon sa Katimugang Lebanon, upang maaaring harapin ang pananakop ng mga Israel diyan sa Golan. Kung may gagawing aksyon, mas malaki ang posibilidad na mangyari ito sa loob ng teritoryo ng Lebanese kaysa sa posibilidad na mangyari ito sa labas ng nabagit nitong bansa.

......................

328