23 Pebrero 2025 - 09:42
Nagpapaalam na ang Lebanon kina Sayyed Nasrallah at Seyyid Safieddine sa kanilang makasaysayang pag-libing

Daan-daang libong mga nagdadalamhati mula sa buong rehiyon ang nagtipon sa Beirut para sa makasay-sayang pag-libing sa dalawang Pinuno ng mga Ummah, kina ni Sayyed Hassan Nasrallah, ang matagal nang nagsisilbing pinuno ng Hezbollah, at ang kanyang hinirang na kahalili, si Sayyed Hashem Safieddine, na parehong pinaslang ng rehimeng Israeli noong nakaraang taon.

Ayon sa ulta na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng AhlulBayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Daan-daang libong mga nagdadalamhati mula sa buong rehiyon ang nagtipon sa Beirut para sa libing ni Sayyed Hassan Nasrallah, ang matagal nang nagsisilbing pinuno ng Hezbollah, at ang kanyang hinirang na kahalili, si Sayyed Hashem Safieddine, na parehong pinaslang ng rehimeng Israeli noong nakaraang taon.

Nagtipon ang mga nagluluksa sa 9:00 a.m. lokal na oras (7:00 GMT) kanina, Linggo sa Camille Chamoun Sports City Stadium at sa mga kalapit na kalye sa Katimugang Beirut. Ang kaganapan ay bino-broadcast nang live sa website ng IRNA.

Bilang bahagi ng napakalaking seremonya, ang mga kalye ng Beirut ay pinalamutian ng mga larawan ng dalawang martir gayundin ng yumaong anti-terror Kumander ng Iran, si Hajj Lieutenant General Qassem Soleimani, kasama ng mga banner na nagsasabing, "Nananatili kaming tapat sa aming pangako."

Ang mga nayon sa buong Katyimugan ng Lebanon ay naghahanda na ring para makibahagi sa mga seremonya sa pag-libing. Si Seyyid Nasrallah ay ililibing sa Linggo sa Burj al-Barajneh, sa isang parte sa Katimugang suburb ng Beirut, habang si Seyyid Safieddine naman ay ililibing sa kanyang bayan sa Deir Qanoun al-Nahr, sa Lunes.

Ang mga katulad na simbolikong seremonya ng pag-libing ay ginaganap din sa Tehran at iba pang mga lokasyon upang parangalan ang mga pinuno ng paglaban sa Lebanese. Sa kabisera ng Iran, isang pagtitipon ang magaganap sa Imam Khomeini Mosalla sa gabi, na may mga billboard sa paligid ng lungsod na nagsasabing, "Nananatili kaming tapat sa aming pangako," na nag-iimbita sa mga tao para dumalo.

Si Nasrallah, na namuno sa Hezbollah sa loob ng 32 taon, ay pinaslang sa isang airstrike ng Israel noong Setyembre 27 noong nakaraang taon sa Dahiyeh, sa isang isang suburb ng Beirut. Si Safieddine, na pinangalanang bagong secretary-general ng Hezbollah pagkatapos ng pagpaslang kay Nasrallah, ay napatay sa isang katulad na pagkilos ng pagsalakay ng Israel sa Dahiyeh noong Oktubre 3.

Samantala, ang Tagapagsalita ng Parliameno sa Iran, na si Mohammad Baqer Qalibaf at Ministrong Panlabas na si Abbas Araghchi ay naglakbay sa Beirut upang lumahok sa nasabing prusisyon sa pag-libing, na sumasalamin sa malalim na ugnayan sa pagitan ng Iran at Hezbollah. Dumating na rin ang mga delegasyon mula sa Yemen, Iraq, Tunisia, Turkey, at iba pang mga bansa para lumahok sa mga makaysayang seremonyang pag-libing prusisyon.

...............

328