7 Abril 2025 - 11:36
Heneral Baqeri: Kami ay hindi mga Warmongers, ngunit kami ay maninindigan laban sa pananakot n gaming mga kaaway

Binigyang-diin ni Chief of Staff ng Snadatahang Lakas ng Iran, si Major General Mohammad Baqeri, na ang Islamikang Republika ng Iran ay hindi mahilig makipagdigma, ngunit matatag nitong lalabanan ang anumang gawain ng pananakot at pagsalakay n gaming mga kalaban.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng AhlulBayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sinabi ng Iraniang Chief of Staff ng Buong Hukbong Sandatahang Lakas ng Islamikang Republika ng Iran, si Major General Mohammad Baqeri ay nagbigay-diin, na ang bansang Islamic Republika ng Iran ay hindi mahilig makipagdigma, ngunit ito ay matatag para lalabanan ang anumang mga aksyon ng pananakot at pananalakay mula sa panig ng aming mga kaaway.

itinatampok ng mga pananalitang ito ang pangako ng Iran sa pagtatanggol sa mga pambansang interes nito at pamamahala sa mga kumplikado ng mga geopolitical na hamon.

Ang kanyang pagbibigay-diin sa ngalan ng depensa sa sariling bansa laban sa pananakot ay nagpapatibay sa mas malawak na salaysay ng pamumuno ng bansang Islamikang Republika ng Iran, na naglalayong magpakita ng lakas at katatagan sa harap ng mga panlabas na panggigipit at paninirang-puri.

Binigyang-diin pa ni Heneral Baqeri, na ang estratehiya ng pagtatanggol sa mga pambansang interes at paglipat patungo sa tinukoy na mga layunin, na kung saan tumutukoy sa paglulunsad ng mga operasyong militar na kilala bilang "Makatotohanag Pangako", na sumubok sa mga kakayahan ng Islamikang Republika ng Iran at sa mga kalakasan at kahinaan ng mga kalaban nito.

Malakas din niya ikinondena ang pananahimik ng mga internasyonal na organisasyon tungkol sa mga krimen ng rehimeng Israeli at itinuro pa ang dobleng pamantayan ng mga institusyong ito.

Pinuna din niya ang kasalukuyang administrasyon ng U.S., binansagan ang pinuno nito bilang self-absorbed at confrontational, at binanggit pa niya ang kawalan ng tiwala sa mga pangako ng Estados Unidos batay sa mga nakaraang negosasyon sa pagitan ng IRI at USA.

Nilinaw din ni General Baqeri, na hindi hinahabol ng Iran ang mga sandatang nuklear ngunit nakatuon ito sa pagtugon sa mga pangangailangang ng mga mamamayanag ito ang nuklear ang nito, na binibigyang-diin din niya, ang pagnanais para sa mapayapang negosasyon nang walang direktang pakikipag-usap sa U.S.

Ang diskarte ng Islamikang Republika ng Iran ay pagpigil at katatagan laban sa mga panlabas na pag-babanta. Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa paglaban sa pambu-bully, nilalayon ng Iran para ipakita ang kapangyarihan sa mga dayuhang kalaban. Ang pagtutok na ito sa kahandaang militar at pagpuna sa mga internasyonal na tugon mula sa mga aksyon ng Israel ay nagpapalakas sa posisyon ng Iran bilang isang rehiyonal na kapangyarihan.

……………..

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha