7 Abril 2025 - 13:06
Plano ng rehimeng Zionista para putulin ang Rafah mula sa natitirang bahagi ng Gaza sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang bagong koridor

Plano ng rehimeng Zionist na putulin ang Rafah mula sa natitirang bahagi ng Gaza sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang bagong koridor

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :-  Ang militar ng Israel ay nagtalaga ng mga tropa sa timog Gaza upang magtatag ng isang bagong koridor ng mga sarili nitong mga militar, na epektibong pinutol ang Rafah mula sa natitirang bahagi ng kinubkob na teritoryo ng Palestina.

Ang mga ulat ng media ay nagsabi noong Linggo, na ang mga Israeli military ay nag-anunsyo ng pag-deploy ng mga tropa nito sa isang bagong tatag na koridor sa katimugang Gaza.

Ang mga pwersang Israeli sa pagitan ng Rafah at Khan Yunis ay nasa proseso ng pagputol sa Rafah mula sa natitirang bahagi ng Gaza.

Ayon sa isang pahayag ng militar, naka-deploy na rin ang mga tropa kasama ang 36th Division.

"Ang mga tropang ito ay bumabaril sa sinumang lumalapit sa lugar. Ang tanging lugar na bukas sa mga Palestino sa ngayon ay ang al-Rashid corridor, sa coastal road," binanggit ng isang reporter na nagtatrabaho sa al-Jazeera channel.

"Nangangahulugan ito na mas maraming mga Palestino ang naiipit sa Khan Yunis at sa Deir el-Balah, habang sinusubukan ng mga Israel para sakupin ang mas maraming lupain - at ang Rafah ay napakahalaga dahil ito ang pangunahing daanan para sa pagtawid ng Karem Abu Salem [sa pagitan ng Gaza at sa mga sinasakop na teritoryo] - ito ang pangunahing bintana para sa mga Palestino sa pamamagitan ng Rafah."

Ang tinaguriang Morag Corridor, na ipinangalan sa isang dating iligal na settlement na inilikas noong 2005, ay hahatiin ang Rafah mula sa natitirang bahagi ng Strip.

Sinabi ng Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu, na ang koridor, na inihayag noong Miyerkules, ay puputulin ang katimugang lungsod ng Rafah mula sa natitirang bahagi ng Gaza.

Muling iginiit ng Israel ang pag-kontrol sa hilagang Netzarim corridor mula nang basagin ang tigil-putukan noong nakaraang buwan sa isang sorpresang pambobomba upang pilitin ang kilusang paglaban ng Hamas para tanggapin ang mga bagong tuntunin para sa tigil-putukan, na ikinamatay ng daan-daan.

Sinabi ng Opisina ng Gaza Media noong Linggo sa isang pahayag sa X na ang katimugang lungsod ng Gaza ay ganap na giniba upang bigyang-daan ang Israel na gawing "closed military operations zone."

Si Netanyahu, na nakatakdang makipagpulong kay US President Donald Trump, sa White House, sa Lunes, ay nagsabi na ang Israeli military ay pinuputol ang Gaza para dagdagan ang pressure sa Hamas na palayain ang mga bihag.

Ang Israeli minister of military affairs Israel Katz ay nagsabi, na ang Israel ay sakupin ang malalaking lugar sa Gaza at idagdag pa nito, na ang mga ito sa mga tinatawag nitong security zone.

Ang kontrobersyal na panukala ay nahaharap sa matinding pagsalungat sa buong mundo, na may mga rehiyonal na bansa na mariing tinatanggihan ang tahasang pamamaraan.

Samantala, nagpapatuloy ang militar ng Israel sa pamamagitan ng pag-atake na mula sa mga himpapawid at artilerya sa Gaza Strip, na ikinamatay at nasugatan ng mas maraming mga sibilyang Palestino sa pinakahuling pag-atake nito.

Ang bilang ng mga namatay mula sa genocide ng rehimeng zionista, mula noong Oktubre 2023 ay tumawid na sa nakakagulat na 50,700 ang kabohang bilang ng nasawing mga walangf kalaban-laban na mga ordinaryong mamamayang Palestino, katulad ng mga kabababiahan at mga kabataan at mga matatandang edad, ang naging mga biktima sa nasawi.

………………..

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha