Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ibinigyang-diin ni Iranian Presidenteng Masoud Pezeshkian, sa kanyang talumpati sa military parade na minarkahan ang Iranian Army Day sa Tehran noong Biyernes, na sa pagkakaroon ng ating magigiting na mga sundalo, maaari tayong magsalita at makipag-usap mula sa isang posisyon ng lakas sa rehiyon, para sa kapakanan ng kapayapaan, katatagan at pagbuo ng mga tulay. Salamat sa hukbo at pwersang panseguridad at militar, naipakita natin ang ating sarili bilang isang puwersang walang talo.
Nagpahayag si Pangulong Pezeshkian ng kanyang talumpati sa parada ng National Army Day, malapit sa Dambana ni Imam Khomeini (nawa’y kalugadan siya ng Diyos),na kung saan ginanap din sa ibang mga kabisera ng probinsiya ng Iran. Binigyang-diin niya sa kanyang talumpati, na "ang hukbo ay ang hindi magugupi na kuta ng rehimen at ng bansa, at sa pagkakaroon ng mga anak nito, ang pag-asa at kapayapaan ng lipunan ay naisasakatuparan. Ang hukbo ay simbolo ng pagmamalaki ng bansa, ang suporta ng estado, at ang pangunahing salik sa pagtiyak ng seguridad at katatagan ng bansa."
Ipinaliwanag ni Pangulong Pezeshkian na ang Sandatahang Lakas ng Iran ay may mahalagang papel sa katatagan ng Iran, na nagbibigay-diin na "ang kawalan ng dakilang puwersang ito ay mag-aalis ng seguridad at katahimikan ng lipunan.
Pagpapatuloy niya, "Salamat sa mga sakripisyo ng ating mga tauhan ng militar, ngayon ay may kumpiyansa tayong masisimulan ang ating rehiyonal at internasyonal na negosasyon, sa loob ng balangkas ng pagtatatag ng kapayapaan at katatagan at pagbuo ng mga tulay ng mga relasyon. Napatunayan natin sa mundo na tayo ay isang matatag at hindi mapag-aalinlanganang puwersa."
Pinuri ng Pangulo ang natatanging istruktura ng organisasyon ng hukbo, na nagsasabing, "Hindi tulad ng ilang institusyon ng gobyerno, pinanatili ng hukbo ang pagkakaisa ng istruktura nito nang walang anumang paglihis, na itinatag ang sarili bilang isang natatanging modelo ng institusyonal sa bansa."
Binigyang-diin ni Pezeshkian na ang dahilan ng katatagan na ito ay "ang karunungan at patnubay ng Kanyang Kataas-taasang Pinuno ng Rebolusyong Islam," na nagpapaliwanag na pagkatapos ng rebolusyon, hinangad ng mga kaaway na lansagin ang hukbo upang maisakatuparan ang kanilang mga pakana, "ngunit sa katatagan at suporta ng Pinuno ng Rebolusyon, ang hukbo ay nanatiling matatag na bato ng Sacred Defense at isang haligi."
Dagdag pa niya, "Kung hindi dahil sa mga bayani ng hukbo, hinahangad ng kaaway na lusubin ang ating bansa at durugin ang ating rebolusyon. Ngunit hindi pa at hindi na makakapasok ang kaaway sa hanay ng ating hukbo."
Naalala ni Pangulong Pezeshkian ang mga unang araw ng rebolusyon, nang ang bansa ay ganap na umaasa sa mga import ng militar. "Kahit na para sa pinakapangunahing mga pangangailangan sa pagtatanggol, kami ay nasa awa ng mga dayuhan. Ngayon, ang aming mahusay na hukbo ay nakamit ang kumpletong pagsasarili sa paggawa ng pinaka-advanced na mga sandata sa lupa, sa himpapawid, at sa pandagat, at maging sa larangan ng mga drone na ikinagulat ng ating mga kaaway."
Binigyang-diin niya, na ang tungkulin ng hukbo "ay hindi limitado sa pambansang pagtatanggol, ngunit umaabot sa pagiging unang tugon sa mga natural na sakuna-mula sa lindol hanggang sa baha at epidemya-sa mga anak nito na nag-aalay ng kanilang mga sakripisyo nang tahimik at matapat."
Inilarawan din ng Pangulo ang hukbong Iranian bilang "pinakamalakas na suporta para sa gobyerno at sa mga tao, at ang pundasyon sa pagbuo ng magandang kinabukasan ng Iran."
Pinuri ni Bezeshkian ang mga pagsisikap ng Sandatahang Lakas para makamit ang pagiging sapat nito sa sarili, na nagsasabing, "Ang ating mga tagumpay ay hindi limitado sa larangan ng mga militar.
Binigyang-diin din niya, na ang papel na nagpapapigil ng mga hukbo sa harap ng mga banta ng kaaway, na sinasabi na ito ang nagiging sanhi ng pagkabigo at kawalan ng pag-asa ng kaaway sa kanilang mga pagtatangka na isagawa ang kanilang mga sabwatan o pahinain ang ating pambansang kapangyarihan.
Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, binati niya "ang magigiting na kumander ng hukbo, ang mga miyembro ng hukbong Katihan, Hukbong Himpapawid, at ng Hukbong-dagat, ang mga Rebolusyonaryong Guwardiya, ang mga puwersa ng Basij, at sa lahat ng mga tagapagtanggol sa buong lupain ng mahal na bansang ito."
Nagtapos siya sa pagsasabing: "Ang seguridad at dignidad ng Iran ngayon ay bunga ng dugo ng mga bayaning ito, na tumayo kahapon, tumayo ngayon, at mananatiling proteksiyon na kalasag ng bansa hangganag bukas."
...........
328
Your Comment