23 Abril 2025 - 11:03
Haaretz: Krisis sa mga hukbo ng Israel, matinding pagkatalo, at malawakang pag-alis ng mga Israeling sundalo

Ang pahayagan ng Israel na Haaretz ay nagpahayag ng isang makabuluhang pagkasira sa pagganap ng mga Zionistang militar ng hukbong Israeli sa panahon ng digmaan nito laban sa Gaza, na may mga piling yunit tulad ng Golani Brigade, na kung saan matinding dumaranas ng mabibigat na kaswalti.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Base sa mga mapagkukunang militar na sinipi ng pahayagang Israeli Haaretz, ang Golani Brigade - isa sa pinakakilalang infantry brigade sa hukbong Israeli - ay nawalan ng 114 sa mga mandirigma at opisyal nito mula noong simula pa ng digmaan, bukod pa sa libu-libong iba pang mga sundalo ang nasugatan. Ang mga pagkalugi na ito ay sumasalamin sa matinding mga komprontasyon laban sa Gaza at ang kakayahan ng pakikibaka laban sa mga mandirigmang Palestino sa warzone, sa Gaza na kung saan magdulot ito ng pinaka-makabuluhang mga suntok, kahit na sa mga lubos pa sinanay na mga yunit mula sa kanilang ipinag-mulan na nabangggit na Brigada.

Ang parehong mga ulat ay nagpahiwatig din ng malinaw na mga kaso ng pagkapagod sa mga regular na sundalo, na nagdadala ng napaka-bigat na labanan, sa gitna ng tumataas na sikolohikal at panggigipit na mga militar. Lumilitaw sa haba ng digmaan at ang kahirapan sa pagkamit ng mga nakasaad na layunin nito ay nagsimulang negatibong makaapekto sa moral ng mga pwersa, na kung saan posibleng nagbabanta sa kanilang pagiging epektibo sa labanan habang nagpapatuloy ang kanilang mga operasyon.

Sa kabilang banda, ang mga Israeli Army Radio ay nagpahayag din ng isang makabuluhang agwat sa pagitan ng mga opisyal na data at ang katotohanan sa lupaing katihan. Iniulat ng mga field officer na kung san may mga 60% na lamang ang mga reserbang sundalo ang kasalukuyang naglilingkod sa Gaza dahil sa kahirapan sa field at sa mga pagod nito. Ang porsyentong ito ay lubos na kabaligtaran sa mga pahayag ng Zionistang militar, na nagsasabing 85% ang mga Isreali reserbang sundalo ay nanatili bilang aktibo sa serbisyo. Nagdulot ito ng mga pagdududa tungkol sa kredibilidad ng mga militar sa pamamahala sa krisis. Itinataas din nito ang mga katanungan tungkol sa pagpapatuloy ng mga digmaan at ang mga posibilidad ng mga panloob na protesta laban dito na tumataas na rin habang mas marami pang mga katotohanan ang nabubunyag sa kanilang mga katiwalian sa pagsasanay at sa pagsab ak sa bakbakan sa mga giyera nito laban sa mga mandirigmang mga Palestino.

………………

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha