Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Islamikong Rebolusyonaryong Guard Corps (IRGC) Navy ay nag-palabas ng isang groundbreaking advancement sa naval technology nito sa pagbuo ng high-speed missile boat, na maaaring umabot sa 116 knots (humigit-kumulang 215 km/h). Ito ay nagmamarka sa isang makabuluhang hakbang sa pandagat na kakayahan ng Iran.
Inihayag noong Miyerkules ni Rear Admiral Alireza Tangsiri, isa siyang Kumander ng IRGC Navy, na matagumpay na naipasa ng missile-launching vessel ang lahat ng teknikal at espesyal na pagsubok. "Kami ay nakagawa ng isang missile-launching vessel na may bilis na 116 knots, ang lupa ay katumbas ng 215 kilometro bawat oras, at natapos na ito ang lahat ng kinakailangang pagsubok," sinabi niya.
Sa pag-highlight sa sariling-kakkayahan ng IRGC, sinabi ni Tangsiri na ang organisasyon ay gumagawa ng sarili nitong mga sasakyang pandagat, missiles, drone, at sub-surface system. Binigyang-diin niya, na ang kanilang dedikasyon sa pagtiyak ng seguridad ng Persian Gulf, na nagsasabing, "Kami ay di’ mapapagod para magtatrabaho araw at gabi upang matiyak ang kaligtasan ng aming rehiyon."
Sa pagmumuni-muni sa pag-unlad ng Iran, sinabi ng komandante na bago ang Rebolusyong Islam, ang Iran ay walang kakayahan para bumuo ng kahit maliit na mga bangkang pangisda, na umaasa lamang sa mga kumpanyang Amerikano para sa kanilang pagtatayo. Sa kabaligtaran, binuo na ngayon ng mga IRGC Navy ang Shaheed Soleimani-class na sasakyang pandagat, nilagyan ng makabagong teknolohiya at may kakayahang maglakbay ng hanggang 5,000 nautical miles nang walang tigil sa bukas at malawak na karagatang nautical mile.
……………
328
Your Comment